Inanunsyo ng Commission on Elections o Comelec ang suspensyon sa Palawan Plebiscite na nakatakda sana sa May 11, 2020.
Sa Facebook page ni Commissioner Rowena Guanzon, kinumpirma nito na sinuspinde ng Comelec ang plebisito sa Palawan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 at umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon na pinalawag hanggang April 30, 2020.
Alinsunod sa Section 5 ng Omnibus Election Code, ang naturang plebisito sa May 11 ay “Postponed” pero hindi dapat lalagpas ng tatlumpung araw mula sa araw ng pagpapatigil o hanggang na-lift o natapos na ang ECQ.
Ang Palawan plebiscite ay para sa panukalang partitioning o paghahati sa Palawan sa tatlong probinsya na Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur, base sa Republic Act No. 11259.
https://rmn.ph/plebisito-sa-palawan-sa-mayo-sinuspinde-na-ng-comelec/
No comments:
Post a Comment