Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Pilipinas sa "state of calamity" kasunod ng pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa Proclamation 929, na pinetsahang ika-16 ng Marso, sinabi ni Digong sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang sumusunod:
"Idinedeklara ang State of Calamity sa kabuuan ng Pilipinas na tatagal ng anim (6) na buwan, maliban na lang kung bawiin o palawigin depende sa sirkumstansya," sabi ni Digong sa Inggles.
Patuloy pa rin naman daw ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa kabuuan ng Luzon hanggang ika-12 ng Abrilo 2020, maliban kung bawiin pa.
Inaatasan din ang lahat ng ahensya ng gobyerno at local government units na magbigay ng kanilang tulong at pakikipag-ugnayan sa isa't isa: "mabobilisa ang mga kinakailangang rekurso para makapagpatupad ng kritikal, agaran at wastong disaster response aid and measures sa lalong madaling panahon upang masawata at mapuksa ang banta ng COVID-19."
Inaatasan na rin ang lahat ng law enforcement agencies, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, para siguruhin ang "peace and order" sa mga apektadong lugar, depende sa pangangailangan. — may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/03/17/2001652/pilipinas-isinailalim-sa-6-month-state-calamity-ni-duterte
No comments:
Post a Comment