Wednesday, January 1, 2020

Showbiz insights 2020: ABS-CBN franchise renewal, Barretto family feud, KathNiel, LizQuen, AlDub

Hiningan namin ng Showbiz Insights for 2020 ang kaibigang spirit questor na si Atty. Nick Nangit nitong Disyembre 30, Lunes ng hapon.

Makalipas ang ilang oras ay ipinadala ni Nick via Messenger ang kanyang mga pananaw sa ilang usaping-showbiz sa bagong taon:

“May intrigang mabubunyag na may kinalaman sa kasunduan at kaperahan. May paglaladlad muli na tatanggapin naman, pero may iskandalo ring pagpipiyestahan ng marami.

“May magrereklamo. Tatalakayin ito, pero magkakaayos na lang para umusad, dahil kukulangin ito ng suporta.

“Makikilala tayong muli sa larangan ng musika at sayaw. Kelangang buhayin ang suporta rito.

“Kung maglalaan ng malaking kapital para isang pelikulang tungkol sa mga katutubo na universal at may pagbabalik-tanaw ang tema at hindi melodrama, makikilala ito sa iba't ibang panig ng mundo.

“Huwag piliting pagsamahin ang mga sikat na artista. Ihalo ang hindi kilala sa kilala.

"Huwag gamitan ng EDM o synthesizers ang musika.

"Simulan nang maaga. Sundin ang gumawa ng istorya, hindi ang namuhunan.

“Makakalusot ang prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso.

"Magwawatak-watak at sari-saring sisihan ang gagawin ng mga artista't empleyado nito, lalo na yung mga nagpagamit at yung mga hindi nag-iisip pero maingay lang.

“May ilan sa kanilang ngangawa pa rin, pero matatabunan na ito ng kawalan. Mas maraming bagay na dapat bigyang pansin.

“May papanaw na dalawang babaeng beterana na. May magkakasakit nang malubha.

"May panibagong awayan na magaganap. May magpapabuntis.

“May posibilidad ding isang babae naman ang magpapatiwakal.

"May aksidenteng magaganap na magpepeligro sa career at pamilya ng masasangkot dito.

“Wala na ring papansin sa Barretto family feud. Baka umabot ito sa puntong pagtatawanan lang ng mga makakabasa o makakaalam nito. Tatahimik sila pansamantala, pero muling may mitsang masisindihan na magdudulot ng panibagong bangayan.

“May kapatid na gusto talagang lumaban, pero mag-aatubili na ito dahil sa pakiusap ng ina nila. May magkakasakit din.

“Magkakaroon ng kaunting di pagkakaunawaan ang KathNiel, pero maaayos din ito.

“Baka may mag-ayang lumagay na sa tahimik ang LizQuen. Mawawalan ng sigla ang samahan nila kung ipipilit mamagitan ang isang sumisikat na baguhan.

“Pawala na ang AlDub. Isa na lang itong matamis na alaalang masarap balikan. Kelangan na nilang tanggapin na may nakalaan nang iba para sa dalawang ito, bagama't mas itutuon ng isa ang kanyang pansin at oras sa trabaho at mga bagong proyekto.”

GORGY RULA
Sa mga hulang ito ni Atty. Nick, meron talagang tatama dahil iyun talaga ang posibleng mangyari.

Ang mahalaga, masaya tayo sa ating ginagawa at lalo pa nating pagtibayin ang pananalig natin sa Poong Maykapal. Patuloy lang ang pagdarasal.

Basta, maganda naman ang nararamdaman ko sa taong 2020, gaya ng ating paningin na kapag 20/20 ang vision, malinaw at hindi pa kailangan ng suporta ng salamin.

Isang masaganang 2020 po sa ating lahat! Mabuhay ang PEP!

https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/148451/showbiz-insights-2020-abs-cbn-franchise-renewal-barretto-family-feud-kathniel-lizquen-aldub-a4118-20191231

No comments:

Post a Comment