Tuesday, December 17, 2019

Senator Lito Lapid, nagsalita tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal

Naging matipid sa pagsagot si Senator Lito Lapid sa mga tanong sa kanya ng entertainment press sa thanksgiving lunch niya na naganap sa isang restaurant sa Quezon City nitong Lunes ng tanghali, December 16.

Ang katuwiran ni Lito, mas gusto niyang mag-enjoy at huwag magtrabaho ang entertainment writers sa kanyang ipinatawag na thanksgiving lunch.

Nang tanungin tungkol sa showbiz career ni Ysabel Ortega, ang lovechild nila ni Michelle Ortega, ito ang sagot ng senador: "Well, noon pa naman nag-aartista ‘yan, matagal na. Okey naman. Lumipat na yata siya sa GMA-7."

Tumanggi si Lito na magsalita pa tungkol kay Michelle dahil may sarili na itong pamilya.

Nang mag-usapan ang ABS-CBN franchise na inaasahan ang expiration sa March 2020, sabi ng actor-politician, “Kawawa naman. Huwag naman, marami ang mawawalan ng trabaho.

"Basta, magdasal na lang tayo. Sana, walang mawawalan ng trabaho.

"Masyadong sensitive [ang issue], lalo na ako, isa ako sa mga magdedesisyon, dadaan sa amin yun.”

Nagkaroon si Senator Lapid ng thanksgiving lunch para personal na pasalamatan ang entertainment press na supportive sa kanyang showbiz at political career.

Sinabi ni Lito na kung hindi dahil sa showbiz, hindi matutupad ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay.

"Ang pulitika, puwedeng iwanan, ang showbiz hindi.

"Hindi naman ako magiging pulitiko kung hindi sa showbiz," sabi ni Lito na hindi nakakalimot sa pinanggalingan niya.

https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/148222/senator-lito-lapid-abs-cbn-franchise-renewal-a734-20191216

No comments:

Post a Comment