Wednesday, December 4, 2019

President Rodrigo Duterte to ABS-CBN: "I'm sorry, you're out!"

Hindi pa rin nagpapatinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bantang hindi niya pipirmahan ang anumang panukalang batas para sa franchise renewal ng broadcast giant na ABS-CBN.

Nakatakdang magtapos ang 25-year franchise to broadcast ng Kapamilya Network sa March 2020 o tatlong buwan na lamang mula ngayon.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno sa MalacaƱang kahapon, December 3, muling binuhay ng Pangulo ang kanyang naunang banta laban sa ABS-CBN na hindi niya hahayaang makapag-renew ito ng prangkisa.

Diin pa niya, huwag nang umasa ang istasyong ma-renew ang kanilang prangkisa.

Sabi ni Duterte, “Ikaw, ABS-CBN, you’re a mouthpiece of…

“Ang inyong franchise mag-end next year.

“If you are expecting na ma-renew 'yan, I'm sorry. You're out.

“I will see to it that you're out.”

Muli ring inungkat ng Pangulo ang panggagantso diumano ng network sa kanya at sa ilan pang kandidato noong 2016 Presidential Elections nang hindi inere ang kanilang political advertisements kahit bayad na ang mga ito.

“Ilan kaming mga kandidato na kinuha ninyo ang pera namin, but never aired our propaganda.

“Ako, Chiz Escudero... lahat kami.

“Pero yung propaganda ni Trillanes [former Senator Antonio Trillanes] portraying children and which is really a prohibited act under the rules of the Election Code, in spite of the fact na may TRO [Temporary Restraining Order] na huwag ninyong ipalabas, pinalabas ninyo.”

NETWORK EXECUTIVES REACHING OUT TO HIM?

Kasunod nito, nagpahiwatig ang Presidente na may ilang ehekutibo ng istasyon ang diumano’y “nagmamakaawa” sa kanya upang pirmahan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Saad pa ni Duterte, “Ngayon, you come to me begging.

“E, yung mga ang... ang kawawa, kayong second generation na walang ka among-among [hindi alam paano makitungo] diyan sa akin, parang hindi na malaman kung ano ang body language nila.”

May halos sampung panukalang batas sa Lower House ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN ang nakahain, pero hindi pa ito natatalakay ng Committee on Legislative Franchises dahil inuuna ng Kongreso ang 2020 National Budget.

Sa Senado naman ay may isang panukalang ganun din ang layunin, ngunit hindi pa rin ito natatalakay.

Ayon naman kay House Speaker Alan Peter Cayetano, magkakaroon ng public hearing tungkol dito upang marinig ang magkabilang panig dahil pati siya ay may personal ding himutok laban sa ABS-CBN.

Simula nang pumutok ang isyung ito, hindi nagbibigay ng anumang pahayag ang ABS-CBN ukol sa isyu.

https://www.pep.ph/news/local/147967/president-rodrigo-duterte-abs-cbn-franchise-renewal-a718-20191204

No comments:

Post a Comment