"End of an era" para sa loyal patrons ng Harrison Plaza ang nalalapit na demolition sa 43-year-old mall sa Malate, Manila bilang pagbibigay-daan sa bagong residential building at shopping complex na itatayo sa naturang lugar.
Dating sementeryo (Ermita Cemetery) at parke (Harrison Park) ang kinatitirikan ng Harrison Plaza na nagbukas noong 1976.
Marami ang nalungkot sa balitang tuluyan nang isasara ang Harrison Plaza sa huling araw ng December 2019 dahil naging bahagi ng kanilang buhay ang establishment na naghatid ng mga masasaya at malulungkot na alaala noong kabataan nila.
Naging popular din sa mga turista ang Harrison Plaza, na may isang department store at apat na sinehan na parehong nagsara dahil sa tumitinding kumpetisyon sa mga higit na bago at malalaking mall.
Gibain man ang Harrison Plaza, na-immortalize naman ang pangalawa sa oldest mall sa Pilipinas dahil dito kinunan ang mga eksena nina Vice Ganda at Anne Curtis sa M&M The Mall, The Merrier.
Hindi ginamit sa pelikula ang pangalan ng Harrison Plaza dahil pinalitan ito ng Tamol Mall, pero nakilala pa rin ng mga taong may mga hindi makakalimutang karanasan at alaala sa nabanggit na mall.
Puwedeng sabihin nina Vice at Anne na naging bahagi rin sila ng Harrison Plaza, na magiging alaala na lamang sa kanilang pelikula na kasalukuyang nangunguna sa box-office race ng 45th Metro Manila Film Festival.
Incidentally, pansamantalang nagpaalam si Anne bilang co-host ng It’s Showtime noong Lunes, December 23, dahil sa payo ng kanyang doktor na magpahinga siya.
Ang pagbubuntis sa magiging panganay na anak nila ni Erwan Heussaff ang priority ni Anne.
Nakatakdang magsilang si Anne sa March 2020 kaya matatagalan pa bago siya muling mapanood sa It’s Showtime.
https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/148382/harrison-plaza-to-close-this-2019-a734-20191225
No comments:
Post a Comment