Hindi political vendetta ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang pagbantaan nitong haharangin niya na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang matapos sa March 2020.
Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Senadora Leila de Lima na “bullying” at “political vendetta” ang ginagawa ng pangulo sa ABS-CBN.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kailanman ay hindi tinakot at hindi binully ng pangulo ang ABS-CBN.
Sinabi pa nito na kung political vendetta ang ginawa ng pangulo, napatay na sana ang lahat ng mga kalaban at naninira sa kanya.
Katunayan, wala rin aniyang idinidemanda ang pangulo dahil lamang sa mga paninira.
“Si President, kung political vendetta ‘yan eh ‘di sana napatay niya ‘yung mga kalaban niya, ‘yung naninira sa kanya. Ni isa wala nga siyang nademanda,” pahayag ni Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na ang mga kalaban pa nga ang naninira kay Pangulong Duterte.
Dagdag ni Panelo, ang problema sa mga kalaban ay gumagawa ng kalokohan at kapag nadedemanda ay panay naman ang reklamo.
“Ang problema sa kanila, gagawa sila ng kalokohan, pag nademanda sila, meron namang probable cause as determined by the prosecutor na nag-imbestiga, as determine by the court, wala. Reklamo sila nang reklamo. Kung gusto nilang walang gulo sa kanilang buhay, ayusin na lang nila ang buhay nila. Maging matapat sila bilang mga public servants,” ani Panelo.
Sa ngayon, nasa kamay aniya ng Kongreso ang pagpapasya kung ire-renew o hindi ang prangkisa ng ABS-CBN.
https://radyo.inquirer.net/220482/banta-ni-duterte-na-pagharang-sa-abs-cbn-franchise-renewal-hindi-political-vendetta

No comments:
Post a Comment