Malabong maglaho nang tuluyan ang ABS-CBN kahit pa hindi ma-renew ang kanilang broadcasting franchise dahil sa pagbakod ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, pwedeng idaan na lang sa iba nilang channel tulad ng sa kanilang online, magazine at iba pa.
“We are forgetting that ABS-CBN is not in the business of TV alone. They are in the business of content production,” ayon kay Andanar sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“Meron silang contents online, meron silang magazine, meron silang iba pang mga investment (like) movies. I’m sure ABS-CBN can find a way how to distribute their content if they lose their franchise,” aniya pa.
Sa ngayon ay nakatengga pa sa Kongreso ang bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ito’y matapos na hinayag ni Duterte na kanyang haharangan ang renewal nito dahil sa hindi umano pag-air ng kanyang mga campaign materials noong 2016 presidential elections.
https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-kayang-mabuhay-kahit-walang-tv-franchise-andanar/
No comments:
Post a Comment