May "personal objection" si House Speaker at Taguig City-Pateros Representative Alan Peter Cayetano sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ngunit nilinaw niyang hindi ito nangangahulugang hindi na sila magiging patas sa pagtalakay nila sa mga nakabinbing panukalang batas sa Kongreso ukol sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa broadcast giant.
Sa panayam ni Karen Davila sa mambabatas sa programang Headstart sa ANC, ang cable channel ng ABS-CBN, kahapon, November 4, inamin ni Cayetano na mayroon din siyang pag-aalinlangan tungkol sa franchise renewal ng network.
Pahayag niya, “People like me, I also have some objections.
"I’ll tell you, this is my personal [opinion], okay?
"On one hand, I feel that we have to protect the freedom of [the] press and freedom of expression.
“On the other hand, I feel that certain instances in history and in the 2016 election na nakialam unjustly some sectors or some leaders of ABS.
“So, how do you sort it out?"
Sa Marso 30, 2020 nakatakdang mag-expire ang 25-year franchise to broadcast ng Kapamilya Network na iginawad noong Marso 30, 1995 via Republic Act 7966.
PUBLIC DEBATE ON PROPOSED BILLS
Hindi raw priority ng Kongreso, na kakabalik lang sa session, ang tungkol dito dahil mas maraming priority bills ang kailangan nilang unahin.
Pero tatalakayin daw ito ng Committee on Legislative Franchises bago magtapos ang taon.
Saad ni Cayetano, "Right now, we can debate that, and of course you will stand up for the network.
“But I'd rather have it in a hearing, diretsuhan, face to face, and talk about it.
"I'll just assure the public, whether they are for or against ABS-CBN, that we will do it with due process and we will find a conclusion that is acceptable to everyone but will be good for the country.
“Remember, may Senate at Presidente pa.”
Sa kasalukuyan, may anim na proposed bills tungkol sa franchise renewal ng network sa Lower House ang nakabinbin pa rin sa komite at hindi pa naikakalendaryo.
May isang panukalang batas din sa Senado ukol dito.
Tungkol naman sa warning ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang panibagong prangkisa ng ABS-CBN, sabi ni Speaker Cayetano, “So, that’s between ABS-CBN and the President because I’m sure may legitimate criticism ang Pangulo.”
Ikinagalit nang husto ni Pangulong Duterte ang hindi pag-ere ng ABS-CBN sa kanyang political ad noong 2016 Presidential Elections kahit bayad na ito.
https://www.pep.ph/news/local/147333/alan-peter-cayetano-personal-objections-abs-cbn-franchise-renewal-a718-20191105

No comments:
Post a Comment