Tuesday, November 5, 2019

Mga ABS-CBN boss nakialam sa eleksyon — Alan

MATAPOS mangakong magiging patas ang Kamara sa pagtalakay sa panukalang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, isiniwalat naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tutol siya na mabigyan ng panibagong 25 taon na lisensiya ang nasabing network.

Nagpahiwatig pa si Cayetano na hindi nila prayodidad ang pagtalakay sa prangkisa ng network, kahit na mapapaso na ang lisensiya nito sa Marso 30, 2020.

Ang rason niya, nakialam daw kasi ang mga boss ng ABS-CBN noong 2016 elections kung saan tumakbo siya bilang running mate ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“People like me, I also have some objections. I’ll tell you, this is my personal (opinion), okay?” saad ng kinatawan ng Taguig City sa interview ng ANC.

Isinumbat nito ang pangyayari noong 2016 elections kung saan ilang lider ng ABS-CBN ang nakialam umano sa kampanya.

“On one hand I feel that we have to protect the freedom of the press and freedom of expression; on the other hand I feel that there’s certain instances in history, and in the 2016 election, that some sectors or leaders of ABS interfered unjustly,” himutok ng mambabatas.

Tiniyak naman ni Cayetano sa publiko na tatapusin niya ang problema sa usapin ng franchise renewal na magi­ging katanggap-tanggap sa lahat “but will be good for the country.”

Umaabot sa anim na panukalang batas ang nakabinbin sa Kamara para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Isa rito ay isinampa ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto. (JC Cahinhinan)

https://www.abante.com.ph/mga-abs-cbn-boss-nakialam-sa-eleksyon-alan.htm

No comments:

Post a Comment