CENTRAL MINDANAO – Pinalawak pa ang konsultasyon ng Bangsamoro government sa 63 mga barangays sa North Cotabato na sakop na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nanguna sa dayalogo sina Datu Randy Karon Alhaj, miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at chairman ng Peace and Security Committee kasama si Atty. Suharto Ambolodto, BTA member at deputy minority floor leader.
Dumalo sa pagpupulong at konsultasyon ang mga barangay officials ng 13 barangaya ng Midsayap, North Cotabato, mga NGOs, at mga residente na ginanap sa Brgy Kapinpilan sa bayan ng Midsayap.
Ayon kay Datu Randy Karon ang ginanap na South Western Midsayap Consultative Meeting of the Prospects and Challeges on Migration to BARMM ay para ipaalam umano sa taongbayan ang hatid na kabutihan ng Bangsamoro government.
Binigyan din ng pagkakataon ang mga opisyal ng barangay at mga residente na makapagtanong hinggil sa bagong gobyerno na pinamumunuan ni BARMM Chief Minister Murad Ibrahim.
Ang 13 barangay sa bayan ng Midsayap ay sakop na ngayon ng BARMM pagkatapos manalo sa ginanap na plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at sa matagumpay na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Kinompirma rin ni Haron na sa 63 mga barangay ng North Cotabato ay bubuo ng tatlong bayan sa ilalim ng BARMM.
Bago sumapit ang 2022 election ay kailangan na mayroon nang nabuong tatlong bayan o munisipyo.
Pansamantala namang hihirangin ng Bangsamoro government ang mga uupong mayors, vice-mayors at mga miyembro ng sangguniang bayan na temporaryong mamahala sa tatlong bayan.
Halimbawa nito ang 13 mga barangay ng Midsayap ay bubuo ng isang munisipyo o local government unit (LGU) na tatawagin na Sultan Tambilawan municipality.
Ang mga hihirangin na uupong local officials ay magmumula rin sa bubuuin na bayan.
Umaasa si Haron at Ambolodto na magkakaisa ang lahat, Muslim man, Kristiyano at lumad tungo sa matagal nang minimithing kaunlaran at kapayapaan sa Mindanao kung saan abot kamay na umano ngayon dahil sa nabuong BARMM.
https://www.bomboradyo.com/konsultasyon-patuloy-sa-63-brgys-sa-north-cotabato-na-sinakop-ng-barmm/
No comments:
Post a Comment