Aminado si National Historical Commission chairman Rene Escalante na naging malaking isyu noon ang pag-awit nina Arnel Pineda, Martin Nievera at Christian Bautista ng National Anthem sa boxing bouts nina Manny Pacquiao at Gerry Peñalosa.
Si Christian ay napulaan dahil nakalimutan nito ang ilang linya ng Pambansang Awit noong Peñalosa-Bernabe fight samantalang sina Martin at Arnel ay nakuwestiyon sa kanilang naging bersyon ng pagbirit ng “Lupang Hinirang” noong naging opponent ni Pacman sina Hatton at Clottey.
May ilang kampo rin noon na gustong kasuhan ang dalawa dahil sa umano’y pagsalaula sa Pambansang Awit.
Hindi raw puwedeng i-invoke ang creative freedom dahil may sariling guidelines na sinusunod ang kanilang komisyon sa tamang pag-awit nito.
Meanwhile, nag-launch na ang Ayala Foundation ng kanilang bagong National Anthem video na mapapanood sa lahat ng Ayala Mall cinemas.
Ayon kay Ruel Maranan, Ayala Foundation president, layunin daw nilang parangalan ang common tao na patuloy na naglilingkod sa kanilang mga kababayan sa abot ng kanilang makakaya kaya ang mga ito ang bida sa video.
Pahayag naman ni John Phillip Orbeta, Ayala Corporation group head for corporate resources, ang kanilang bagong proyekto ay kasama sa kanilang “Maging Magiting” campaign. (Archie Liao)
https://tonite.abante.com.ph/martin-arnel-christian-takot-masalaula-ang-pambansang-awit.htm
No comments:
Post a Comment