Here we are na naman. You know what I mean. Buwan na naman ng wikang pambansa. Kaya in na in na naman ang nagpipilit managalog o mamilipinong variety show host o media sa ere, sa mga palatuntunan sa paaralan at ahensya ng pamahalaan even if they are fluent naman in English talaga.
Bueno, seryoso, ilalabas na naman ng mga higanteng mall ang mga stock nila ng Filipiniana costume dahil maraming bibong paslit at mga nagsipayat na (o nagsitabang) titser ang mapipilitang bumili at manamit ng baro’t saya, kamisa at barong. Swerte na kung may magpatadyong o magtapis ng malong. Marami, lalo na, ang mapipilitang sumambit-sambit ng mga salitang amoy-tokador o galing sa inaamag na baul. Na para bang, sige, mahal ko ang wika kasi nagamit ko na naman ang salitang “datapwat.” Kahit maskipaps.
Uso na naman ang mga essay writing contest. Interpretative dance ng kantang “Bulag, Pipi, at Bingi.” Pagbuo ng slogan na may sukat at tugma (tatlo na ang natanggihan kong magpasulat ng sanaysay, talumpati, slogan). Marami na namang magtatalumpati gamit ang mga salitang inalmirolan. Suot ang mga barong na, gaya ng kanilang pananalita, naninigas. Tuyot na tuyot. Sagana lang sa kumpas, tikas, at angas. Kahit pilitin pa ng tagapagsanay na “Utoy, lagyan mo pa ng buhay! Damdamin, dapat umaapaw, ‘yan, ganyan, tindigan mo, titigan mo, sigawan mo!” Panalo. Sa oras na isinusulat ko ito, nakakompromiso na ako sa tatlong paaralan. Ako raw ang kanilang bisitang pandangal. Acheche.
Pero wala, tunay na wala pa rin ang ibig sabihin kung inensayo lang ang wika para sa tatlong hurado ng timpalak. Para sa audience na napilitang makinig dahil inobliga ng titser, pasusulatin ng reaction paper. Paano ba kasi, lutang na lutang ang pagiging hindi natural. At ano ba iyang damdaming ‘yan? Sa totoo lang, wala silang kamalay-malay. Sa karamihan, mahalaga lang ang medalya, ang certificate of appreciation sa titser na tagapayo. Basta nakasunod sa memo. Tapos.
Ayos na. Kumpleto na ang ritwal ng Buwan ng Wika na naging novelty at trivial na pagdiriwang na lamang. Setyembre na bukas makalawa. Makikinig na tayo sa mga mapandustang kanta ni Jose Mari Chan: “Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street...” sabay buka ng bibig habang sinasabayan ang kumpas ni titser at pag-awit ng “Ang Pasko ay sumapit tayo ay mangagsiawit ng magagandang himig dahil sa Diyos ay pag-ibig nang si Kristo'y isilang may tatlong haring nagsidalaw at ang bawa't isa ay nagsipaghandog ng tanging alay. Bagong Taon ay magbagong-buhay nang Lumigaya ang ating bayan tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan. Tayo'y mangagsiawit habang ang mundo'y tahimik ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit. Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral at magbuhat ngayon kahit hindi Pasko ay magbigayan.
🎤Sa maybahay ang aming bati Merry Christmas na maluwalhati ang pag-ibig pag siyang naghari araw-araw ay magiging Paskong lagi ang sanhi po ng pagparito hihingi po ng aginaldo kung sakali't kami'y perhuwisyo pasensya na kayo pagka't kami'y namamasko 🎵
🎤Pasko na naman O kay tulin ng araw Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan! Pasko (Pasko), Pasko (Pasko) Pasko na namang muli tanging araw nating pinakamimithi Pasko (Pasko), Pasko (Pasko) Pasko na namang muli ang pag-ibig, naghahari 🎵

No comments:
Post a Comment