Halos walong buwan na lang ang nalalabi bago mapaso ang franchise to broadcast ng ABS-CBN, pero wala pang kasiguraduhan kung mari-renew ba ito o hindi.
Sa March 20, 2020 mag-e-expire ang 25-year legislative franchise ng broadcast giant.
Sa kanyang regular press briefing sa MalacaƱang ngayong araw, July 18, natanong tungkol dito si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Nataon kasing ngayong araw ay nag-lapse into law ang 25-year franchise renewal ng TV5.
Hindi napirmahan ng Pangulo ang nasabing panukala na aprubado na ng Kongreso kaya automatic na itong batas at makapagpapatuloy pa ang TV5 sa kanilang broadcast.
Kasabay ring nag-lapse into law ang bill na nagpapalawig sa franchise ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.
Sagot ni Panelo sa tanong tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, “Ang ABS-CBN, ang expiration niyan ay sa ano pa, di ba, next year pa.
“'Tsaka Congress naman ang… Nasa Kongreso ang bola niyan, hindi naman kay Presidente.”
Hindi umusad sa nakaraang 17th Congress ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang TV at radio giant sa susunod na 25 taon.
Hindi raw maaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na naipasa pa noong November 2016 dahil sa sigalot ng ABS-CBN at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagbanta ang Presidente na haharangin niya ang franchise renewal dahil nagantso diumano siya ng istasyon matapos hindi iere ang kanyang political ad noong 2016 Presidential Elections kahit bayad na ito.
Kailangang may mag-file ng bagong bill o mag-refile ng dating bill sa 18th Congress na magbubukas sa July 22, upang muling matalakay ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ang rival network ng ABS-CBN na GMA Network ay naaprubahan na ang franchise renewal na tatagal sa susunod na 25 taon noon pang April 2017.
https://www.pep.ph/news/144672/panelo-abs-cbn-franchise-renewal-congress-duterte-a718-20190718

No comments:
Post a Comment