Friday, June 28, 2019

SAN PABLO CITY, MARAPAT NG MAGING ISANG LONE LEGISLATIVE DISTRICT

SAN PABLO CITY – Sa mosyon ni Konsehal Diosdado A. Biglete, na pinangalawahan ng lahat, ay buong pagkakaisang pinagtibay ng Sangguniang Panlunsod ang Resolution No. 2019-1261 na humihiling kay Congresswoman Sol Aragones ng Ika-3 Distrito ng Laguna na bumalangkas at maglahad ng isang panukalang batas na lilikha sa San Pablo City na isang “lone legislative district” sa Lalawigan ng Laguna. Ang mga Bayan ng Alaminos, Calauan, Victoria, Rizal, Nagcarlan, at Liliw ay mananatiling siyang bubuo ng 3rd Legislative District.

Magugunitang ang dating maunlad na Munisipyo ng San Pablo ay naging isang lunsod sa bias ng Commonwealth bAct No.520 na pinagtibay ni Pangulong Manuel Luis Quezon noong Mayo 7, 1940, at pormal na pinasinayaan noong Enero 2, 1941 sa pamamagitan ng pagtatalaga kay dating Gobernador Potenciano C. Malvar bilang Punong Lunsod. Ito ay gumawa sa Lunsod ng San Pablo bilang kaunaunahansa Lalawigan ng Laguna, aty isa sa mga matatandang lunsod sa bansa.

Sa pag-aaral ni Konsehal Biglete, napag-alaman nan a sa isinagawang sensus ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015, napatala na ang lunsod ay may populasyon na umaabot sa kabuuang 266,068 katao, at sa pagtatapos ng Taong 2018, ang populasyon ng lunsod ay umabot sa kabuuang 279,954 katao. O ang populasyon ng lunsod ay higit na sa 250,000 kataong na pangangailangan upang ang isang pamayanan ay magkaroon ng kinatawan o representasyon sa Kongreso.

Ang anim (6) na maiiwanang munisipyo ay may kabuuang populasyon noong Taong 2015 na 284,525, at tinatayang sa pagtatapos ng Taong 2018, ang populasyon ay aabot na sa 288,166, o higit na sa kinakailangang bilang upang magkaroon ng karapatang magkaroon ng sariling kinatawan sa Kongreso.

Ang paglikha sa San Pablo City bilang Lone District, ay pabor sa anim na munisipyong bubuo ng 3rd Legislative District, dahil sa aanim na lamang ang magbabahabahagi sa pondong mahihiling ng kongresista, sa halip na pito.

CTO: Ruben Taningco

No comments:

Post a Comment