Hindi maiwasang tanungin ang GMA-7 broadcast journalist na si Mike Enriquez tungkol sa isyung namimiligrong hindi ma-renew ang franchise for broadcast ng kanilang rival network, ang ABS-CBN.
Kaugnay ito ng balitang inupuan ng Kongreso ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 20 taon.
"Ehhh! No comment!" bulalas ni Mike nang tanungin hinggil sa isyu.
"Hindi naman kami ang nagbibigay ng franchise, Kongreso!"
Humarap si Mike at iba pang batikang broadcast journalists ng GMA-7 sa presscon ng Dobol B Sa News TV, Huwebes ng hapon, June 13, sa 17th Floor ng GMA Network Center sa Quezon City.
Sabay tinawag ni Mike ang nakatokang GMA-7 news reporter sa Kongreso na si Divine Reyes.
"Nasaan si Divine? Eto yung reporter namin sa Congress, si Divine.
"Divine, ano ba nangyari? Inupuan yung franchise? Naka-operate tayo, e.
"Serious, update mo nga kami."
Paliwanag ni Divine tungkol sa House Bill 4349: "Kailangan pong i-refile kasi nagsara na po yung 17th Congress. So ire-refile siya sa 18th po."
Ang session para sa 18th Congress ay magbubukas sa July 22, 2019.
Sa March 2020 nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN.
Dagdag na paliwanag ni Mike, "Yung Congress, hindi inaksiyunan yung franchise.
"That means kailangan i-refile yun. Yun ang sistema."
Pero giit ni Mike, wala siyang personal na komento hinggil dito.
"Hindi ba, meron turo sa atin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?"
Nagtanong pa si Mike sa katabing broadcast journalists sa presidential table ng presscon kung ano ang eksaktong "salawikain" sa Ingles na nagsasabing hindi dapat "mag-rejoice" sa "misfortune" ng ibang tao.
"So, ayaw naming magkuwan," saad ni Mike kung bakit umiiwas siya sa isyu.
Bago pa naungkat ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, una nang sinabi ni Mike kung bakit hindi siya nakikialam kapag nasasangkot sa kontrobersiya ang kapwa niya media practitioners.
"Kami as practicioners, meron kaming patakaran nung araw, na kapag merong kontrobersiya na parang sumusulpot na, hindi pa talaga sumasabog, e, huwag naman sasagutin sa himpapawid...
"Marami pang ibang problema na dapat pagtuunan ng pansin, e—kahirapan, korupsyon, gutom, edukasyon, pabahay, pagpapagamot.
"Sayang ang oras."
https://www.pep.ph/news/143877/gma-news-anchor-mike-enriquez-abs-cbn-franchise-renewal-woes-a716-20190613
No comments:
Post a Comment