Friday, June 21, 2019

ABS-CBN nganga: Prangkisa ni Bro mike extended ng 25 taon

Ni Aileen Taliping

PINALAWIG pa ng 25-taon ang lisensiya ng Delta Broadcasting System Incorporated na pag-aari ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde makaraang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11303.

Ang Delta Broadcasting­ Systemn Inc. ang nag-ooperate ng DWXI 1314khz na ginagamit ni Velarde sa kanyang mga religious program at lingguhang pagtitipon ng El Shaddai.

Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang Delta Broadcasting na magtatag, magmantina at mag-operate ng radio at television broadcasting station sa Pilipinas.

Gayunman, kaila­ngan munang kumuha ang kompanya ng mga kaukulang permit sa National Telecommunications Commission o NTC.

Abril 17 pa inaprubahan ni Pangulong Duterte ang prangkisa ng Delta Broadcasting subalit ngayong Huwebes lamang inilabas ng MalacaƱang ang dokumento.

Taliwas ito sa pagkakabinbin ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation matapos na hindi umabante ang House Bill 4349 sa 17th Congress.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay epektibo hanggang sa Marso 30, 2020.

Matatandaang tinuligsa ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN dahilsa umano’y hindi pagpapalabas ng isa nitong campagin ad noong 2016.

https://www.abante.com.ph/abs-cbn-nganga-prangkisa-ni-bro-mike-extended-ng-25-taon.htm

No comments:

Post a Comment