Wednesday, May 15, 2019

Joy B, Gian wagi sa Quezon City

Naiproklama na kahapon ng umaga ng Commission on Elections-QC-Board of Canvassers bilang nagwaging QC Mayor na si Joy Belmonte at nanalong bise-alkalde na si Gian Sotto sa QC Albert Hall sa QC Hall.

Sa final canvassing ng mga balota sa QC, nakakuha si Belmonte ng botong 469,480 at si Gian Sotto na nakakuha ng 382,393 votes.

May mahigit labing-apat na oras bago nakumpleto  ng  Comelec-QC ang canvassing ng mga boto at naiproklama na ang lahat ng mga nanalong kandidato.

Ang mga nanalong congressman sa District 1- Onyx Crisologo, District 2- Precious Castelo, Allan Reyes – District 3, Bong Suntay – District 4, Alfred Vargas – District 5 at Kit Belmonte – District 6.

Sa mga konsehal sa District 1- Alex Herrera, Lena Marie Juico, Doray Delarmente, TJ  Calalay, Nikki  Crisologo at Victor Ferrer.

Ang nanalong  councilors sa district 2 na  sina Winston Castelo, Bong Liban, Candy Me­dina, Ramon Toto Me-dalla, Mikey Belmonte  at Estrella Valmocina.

Sa District 3, nanalo at naiproklama na rin sina Franz Pumaren, Kate Coseteng, John  Defensor, Wency Lagumbay, Jorge Banal at Ryza de Leon.

Sa District 4, Councilors sina Imee Rillo, Marra Suntay, Irene Belmonte, Resty Malangen, Ivy Lagman at Hero Bautista.

Sa district 5 ang nanalong konsehal ay sina Joe Visaya, Carl Castelo, PM Vargas, Shay Liban, Ram Medalla at Allan Francisco habang sa District 6 ay sina Marivic Co Pilar, Bobby Castelo, Roger Juan, Lala Sotto, Donny Matias at Eric Juan.

Nagpapasalamat naman si Belmonte sa ipinakitang suporta ng mga taga-QC kaya’t  agad anyang magta-trabaho para maipatupad ang mga pangako sa mga taga-lungsod. (Mer Layson)

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2019/05/15/1917856/joy-b-gian-wagi-sa-quezon-city

No comments:

Post a Comment