Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN na nakatakda nang mag-expire sa Marso 30, 2020.
Sa talumpati ng pangulo sa pamamahagi ng land titles sa agrarian reform beneficiaries sa Boracay, muling ipinahayag ng pangulo ang galit sa media network.
Ayon sa pangulo, hindi lang siya ngunit marami ang niloko ng ABS-CBN sa pagtanggap nito ng pera para sa campaign ads noong 2016 elections ngunit hindi naman ini-ere.
“Kalakas ng loob… mukhang marami kami sila Chiz Escudero, tanggap nang tanggap. Niloko ninyo kami, marami hindi lang ako kaya kayo hindi ko kayo palusutin,” ayon sa pangulo.
Dahil dito ay hindi niya anya palulusutin ang franchise renewal ng network.
“‘Yung franchise ninyo matatapos na, but let me ask you [the] questions first, kasi ako talagang mag-object na ma-renew kayo,” giit pa ni Duterte.
Isiniwalat din ng presidente na nag-alok ang ABS-CBN na ibalik ang kanyang ibinayad ngunit hindi niya ito tinanggap dahil ginawa ito ng network pagkatapos na ng eleksyon.
“They offered to pay and I refused to accept it because it was returned to me… proposed to return the money was too late after the election,” ayon sa pangulo.
Giit ng pangulo, ang hindi pagtupad ng ABS-CBN sa dapat nitong gawin sa kabila ng natanggap na bayad ay isang uri ng fraud o panloloko.
“When you do that to many people, it’s fraud. You’re actually a fraud when you actually received money and you don’t come up with your part in the bargain,”
Sa ngayon ay nakabinbin pa ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso.
Makailang beses nang binanatan ng pangulo ang giant network dahil sa anya’y hindi patas nitong pamamahayag kabilang ang tungkol sa kanyang sinasabing ill-gotten wealth at kontrobersyal na giyera kontra droga.
https://radyo.inquirer.net/148022/pangulong-duterte-muling-nagbantang-haharangin-ang-franchise-renewal-ng-abs-cbn
No comments:
Post a Comment