Well, Thank God It’s Forty… almost… ang Eat Bulaga!
Sa APAT NA DEKADA tumatakbo na nga!
Kahit patagilid pang animo’y talangka!
Hanggang sa may lumot tuloy lamang ang nguya!
Kung mahal mo ang buhay at kanyang biyaya,
Sige la’t ‘wag titigil at baka manghina!
Pag nagretiro ka alam n’yo bang ang sagwa?!
Pagkat ang DAY OFF mo ay mawawala!
Kaya tuloy lang ang buhay at ginagawa
Lahat din naman tayo’y hihina’t tatanda!
Lakas at gana natin tuluyang bababa,
Tanong n’yo ngayon — ano ang ubrang magawa?
Magandang tanong ya’t isa lang ang payo ko
Kung pag-iisip na lang malinaw sa inyo —
Na sa pupuntahan naman naroon mga gusto —
Elvis, John Lennon makakasalamuha n’yo!
Pati si Michael Jackson at kung sino-sino!
Malamang “sa dako pa roon” same pareho!
Pantay-pantay PATI PAA lahat ng tao!
Not sure lang if there’s selfie… o HELFIE punta mo!
Ngek! But wait there’s more… to life! Matagal pa ito!
‘Yun bang nausong listahan meron na kayo?
Bucket list for the rich, ang poor BAKIT ‘yung inyo!
“Bakit mahirap ako? Oh bakit ganito?”
YOLO sa mayaman kaya gagawin gusto,
You Only Live Once kaya sige todo luho!
YOYOY naman sa mahirap at ano ito?
Eh di “Why oh why oh why?” Bakit I’m poor? Oh no!
Well, biru-biruan man ito o totoo,
Sa meron o wala pare-pareho … YOLO!
Sa buhay tig-iisa lamang lahat tayo!
Tama na isa pag nagawang TAMA ito!
Sa haba’t tagal lang nagkakaiba medyo,
Kadalasan ‘yay depende na rin sa tao,
Basta pinakamagandang pagtanggap dito —
Say “Hi!”, get HIGH and never say “Hayyy!” sa BUHAY mo!
At kung sa “dukha” ka napunta sa tingin mo,
Pananalig sa Diyos pagyamanin ito!
Alisin ang inggit sa puso mo at ulo
At ilabas ang galit sa pagtratrabaho!
‘Wag nabubuhay ka lamang dito sa mundo,
Lagyang buhay ang buhay nang may pagbabago!
Kung ano meron ka ikaw ay makuntento,
Pumikit at ngumiti at makikita mo!
At kung nasasaktan ka sa pakiramdam mo;
May hapdi at kirot ‘di malaman kung ano,
Kung walang dugo’t sugat ‘wag pansinin ito!
Ang ibig sabihin laman lang ‘yan ng ulo!
Buhay upang humaba dapat ikatuwa!
Magtatagal pag masaya sa ginagawa!
Dahil haba at buhay din lang ating paksa,
‘Di na nakakabulaga… ganyan BULAGA!
Matarik at mahirap ang aming simula,
Mabigat at malaki aming binabangga!
Basta buhay lang namin inaalintana,
Lagi lang may tuwa sa hirap o ginhawa!
Umabot sa ngayon ‘di namin inakala,
Araw-araw paggising isang gantimpala!
Basta lang kay BATMAN lahat pinaubaya …
BATHALANG MANANAKOP… BATMAN na bahala!
Sinulat ko last week natatandaan n’yo ba?
‘Yung tungkol sa unang tee shirt pinaimprenta?
Nung Eat Bulaga nag-Anibersaryong Una —
“NINETY-NINE YEARS TO GO!” doon ang nakaletra!
Now back to ONE HUNDRED, nung August 3 nga pala,
Naging CENTURY OF ATTRACTION aking Papa!
Pagkat BIRTHDAY n’ya at ONE HUNDRED YEARS OLD na s’ya!
‘Di lang pwedeng mag-blow at wala nang hininga!
HAPPY BIRTHDAY PAPA PEPE! I LOVE YOU!

No comments:
Post a Comment