Sunday, January 1, 2023

MGA MAKABAYANG AWITIN (PHILIPPINE PATRIOTIC SONGS)


Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
(Philippine National Anthem)

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw;
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa'yo.

Bayan Ko
(My Country)

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya


Pilipinas Kong Mahal
(My Beloved Philippines)

Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

Ako ay Pilipino
(I am a Filipino)

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan
ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansa, 'sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila
Laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Panatang Makabayan
(Pledge of Patriotism)

Original Version

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas;
Maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga
Tuntunin ng aking paaralan;
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng
Isang mamamayang makabayan
At masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan
Nang walang pag-iimbot
At ng buong katapatan.
Sisikapin kong maging
Isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa.

Current Version

Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi;
Kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

Revised Version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungan
maging malakas, masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nananalangin
Nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

yes kabisado ko yang lahat.

pero parang iba yang version na yan ng panatang makabayan? it hasn't been that long naman since i graduated from high school. iniba na nila?

yah, iniba nila ng konti.

Ako, kabisadong-kabisado kahit matagal na kong tapos mag-aral. ikaw ba naman kantahin mo araw-araw from elementary to high school di mo pa makabisado, kalokohan naman yun.

Lupang Hinirang, oo. pero yung Panatang Makabayan, hindi na.

How about the Panunumpa ng Katapatan sa Bandila / Watawat ng Pilipinas?

Ako ay Pilipino buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag na may dangal, katarungan at kalayaan... blah blah. hindi ko na maalala. :D

I used to memorize the Preamble too...

We the sovereign Filipino people implore the aid of all Mighty God. blah blah...

hays. memory gap.

Pina-exam sa 'min to dati. Medyo nakakalito sya pag iisipin mo lang yung lyrics kaya kailangan pang kantahin nang mahina. Pero medyo nakakalito pa rin kasi mag-isa ka lang. Hehe

yup. kailangan sa school. taun-taon na lang ata pinaparecite simula pa grade 1.

Kabisado ko, except the Ako ay Pilipino which is not usually memorizes sa mga eskwelahan na nag-attend ko.

Lupang Hinirang - check!
Ako ay Pilipino - hindi!
Panatang Makabayan - check!

Memorized ko yung Lupang Hinirang tsaka yung old version ng Panatang Makabayan. yung new version, hindi ko man lang alam. College na kasi ako nung napalitang yung Panatang Makabayan, eh hindi naman nirerecite yung nung college na ko.

memorized ko kapag may kasabay ako.

Yup! (Naka-perfect ako sa pambansang awit at panatang makabayan) pero hindi ko po kabisado yung Ako ay Pilipino

At present, it uses the:

ABS-CBN 2, ABS-CBN S+A 23, ANC 24/7, Asianovela Channel, Cinema One, CineMo, DZMM TeleRadyo, Hero, Jeepney TV, Knowledge Channel, Liga, Metro Channel, Movie Central, MYX Global, PIE Channel, YeY, DZMM Radyo Patrol 630 and MOR 101.9 My Only Radio For Life are using the Philippine National Anthem (produced by ABS-CBN) (2011-2020)

GMA 7, GMA News TV 27, GMA Hallypop, Heart of Asia Channel, I Heart Movies PH, Pinoy Hits Channel, Super Radyo DZBB 594khz and Barangay LS 97.1 are using the Philippine National Anthem (produced by GMA Network, Inc.) (2013—2015, 2015—present)

PTV 4, RPN 9, ZOE TV 11, PRTV 12, IBC 13, SBN 21, RJTV 29, BEAM TV 31, Light TV - God's Channel of Blessings, DBS 35, UNTV News and Rescue, SMNI 39, Bandera News TV Philippines, Brigada News TV, Golden Nation Network, Hope Channel Philippines and CCTN 47 are using the Philippine National Anthem (produced by BPI) (1994-1998, 2001-2010, 2012-2022)

TV5, One Sports, One News, One PH, 702 DZAS - FEBC Radio, Bombo Radyo Iloilo, DZRV 846, DZAR 1026, 98.7 DZFE-FM | The Master's Touch, DZJV 1458 Radyo CALABARZON, DZME 1530 khz, FEBC Radyo TV, Veritas TV, Life TV, MMDA TV, Radyo Singko 92.3 News FM, Monster RX93.1 and Mellow 94.7 are using the Philippine National Anthem (PCSO, PIA and OPS) (2003 Version)

NET25, Radyo Agila, Eagle FM 95.5, INC Radio and INC TV are using the Lupang Hinirang by Koro Pilipino (2011-2022)

DZRH TV, K-Lite TV, DZRH, Love Radio Manila, 91.5 Win Radio Manila, Easy Rock Manila, Yes The Best Manila, 102.7 Star FM Manila and K-Lite 103.5 are using the Lupang Hinirang by Mabuhay Singers

Inquirer 990 Television, Rock Of Manila TV, TV Maria, DZIQ Inquirer Radio 990, DZRB Radyo ng Bayan 738, DZRJ 810 AM - Radyo Bandido TV, DZRM Radyo Magasin, DZSR Sports Radio 918, RMN DZXL 558 Manila, DWBL 1242 RADIO, DWWW 774, AFP Radio DWDD, UNTV Radyo La Verdad, Republika FM1 Manila, iFM 93.9 Manila, 99.5 PLAY FM, RJ100.3FM, FM2 Philippines, Q Radio 105.1, Energy FM 106.7 and Wish 107.5 are using the Lupang Hinirang

Pagkatapos ng Lupang Hinirang, Panatang Makabayan naman, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas at sa huli Pilipinas Kong Mahal.

tuwing Umaga,kinakanta Ang LUPANG HINIRANG...binibigkas Ang PANATANG MAKABAYAN

eks "naalala ko nung kinakanta natin sa foodcourt to, parang nangingilabot ako dahil sa kagandahan niya. kung ang amerika ang ‘land of milk and honey,’ ayun sa Ang Bayan Ko, ang pilipinas daw ang ‘lupain ng ginto’t bulaklak!’ saan ka pa di ba?!

Rico "Maganda nga ang Ang Bayan Ko. Parang pati ako maluluha. Nakaka-tats!"

emben: "kinanta namin yan nung linggo ng wika nung grade school

sheng "My 3 year old daughter knows this by heart na, hehehe, I just want to push in some patriotic effect for the kid, at least she’ll grow to love the Bayang Magiliw…"

maidapaypay "hahahaha! OMG i was just singing this in the shower the other day!"

louraine "we seldom sing it here na sa work though we are in a government agency hehhehe but sure thing when in movie houses last full show, we proudly sing it loudly. mahal kong Pilipinas"

Dorie Linse "Tama ka, Maharlika, dahil simula ng grade 1 ako 1958 hanggang makatapos ng HS pagkatapos ng bayang magiliw ay panatang makabayan ang kasunod at papasok na sa silid aralan na may tugtog ng River Kwai."

Vien Neib Cie "Naabutan ko yan ... batang 90s ako hehe"

Reymond Mago Defeo "Dahil na din sa pag upgrade daw ng curiculom nabawasan yung pagka makabansa. Ako sa sarili ko dala ko pa hanggang ngayon ang turo ng mga guro na pagka makabansa. Pag papahalaga sa bansa bilang pilipino."

Del T. Blanco "My elementary days,mas magalang ang kabataan,mas may takot sa Diyos ,mas takot gumawa ng kalokohan pero mas masaya mababa pa ang mga krimen,kahit kamote at kamoteng kahoy ang tanghalian masaya na😃panahong kaunting bagay na naumit o ninakaw ng kaklase napakalaking kahihiyan na ng pamilya at magulang kung anak nila ang involve"

Feds Santos "👍🏻👊🏻 at yung mag exercise tayo tuwing umaga😁"

Lucy de Ocampo "Karamihan sa ngayun di na nga alam yang panatang makabayan. kami noon pagkatapos kantahin ang lupang hinirang kasunod naman panatang makabayan .. ganun din mga anak ko kung saan sila nag-aaral . ngaun iba na nagkatuon at abala ang ibang nasa gobyerno sa pagnanakaw, pangungurakot ..di nla alam kung ano kahulugan ng mga salita sa panatang makabayan .."

Armando Lalog Jr. "After FEM walang ginawa mga aquino at ibapa kung hindi magnakaw at sisihin si marcos."

Noel Mar "Kasi daw po ang yellow Democracy is a road to success!!!!!! Ay Syett ... road to hell pala to the filipinos .... but a luxurious living for the oligarchs!!!! ..... More Business and free of taxes... and you can spread fake news... get a good looking actor and actress ... promote their deceitful propaganda!!! And the best of them all , you have the holy shit.... Priests, bishops , Cardinals... who mix politics with religions, and sometimes make their homily not based on the Bible but lies and hypocrisy... to defend the oligarchs who probably donates large monetary amount and high valuable gifts.... what the hell to Yellow Democracy.... tinarantado nila ang bayan!!!!!"

Maria Koro "Ibang iba na talaga ngayon hindi nayan binibigkas sa school paano naman pati din Teacher ay adik narin yung iba"

Tita Nepomuceno "I think the panata has been reworded, although hindi ko alam ano yung mga pinalitan. Honestly memorized ko pa sya hanggang ngayon, dahil siguro i have Internalized it, naisa-puso ko na. Hindi na rin araw-araw na nagpa-flag ceremony in most schools, if ever lunes na lang at biernes. Lunes itinataas ang bandila, at biernes ibinababa. Dapat ngang ibalik yan flag ceremony araw-araw at ang recitation ng panatang makabayan. Sa araw araw at paulit ulit na pagre-recite, nai-internalize ng bata eventually nai-inculcate yung patriotism. Ewan ko ba sa DepEd, ang daming inalis sa curriculum, procedures and practices. Then marami ipinasok sa curriculum na hindi kailangan, while yung kailangan, inalis. Yan mga nasa DepEd kasi may mga masters at doctorate so habang nagaaral ang tao, nagiging matalino sa libro, bobo sa practical side of life.

Maharlika "Tita Nepomuceno tama po . Kaya nga dapat ang pinupwesto sa Dep-Ed ay may pagmamahal sa bayan at pahahalagahan ang edukasyon. Kailangan natin hubugin ang kabataan sa unang araw pa lang na pagpasok sa eskwelahan pati mga magulang kailangan i orient o seminar kung paano isapuso at isabuhay ang mga nabanggit sa Panatang Makabayan, Panunumpa sa watawat at sa Lupang Hinirang . Kumbaga i ukit sa kanilang puso at isipan para dala-dala nila hanggang sa paglaki nila at maging responsableng mamayan sila."

Tita Nepomuceno "Yet kung napansin nyo Ms. Maharlika at mga kababayan, sa report card ng mga bata, may rating sa “patriotism”. Nung nakita ko yon noon, immediately ang reaction ko —paano nila ni-rate yung bata? how did the child demonstrated yung patriotism nya? anong pinagbasehan nung teacher sa grade o assessment nya nun?"

Antilegando Lacida Wilmita "Tama po mam Daming inalis, tapos shortened ang time ng students puro pera nasa ulo ng most school, bayad, donations kuno pero nagbabanggit ng amount at eto ay a must for every student, they shortened the time pero amount ng TF tumaas, they should be monitored! They don't learned much already kasi puro pera lang ang gusto ng school, They even call themselves Chistian school pero may ari mismo walang modo di marunong magbabayad ng utang!!!"

Deo Deo "Yes yong katipunero ang isip,salita at gawa...huwag yong makaliwa at wlang paki sa pinas..."

Emmanuel Padilla "Tita Nepomuceno pinalitan yan pag upo yan ni cory 1986 pinalitan lahat pati constitution ginawa na sila lang mga dilawan ang makikinabang pati DepEd ay binago yung mga original na curriculom noon araw araw ay msy flag ceremony at flag retreat yung preamble nga ay pinapamemorize pa sa amin sa subject ss college noon na Phol. Constitution kahit anong course ang iyong kinukha ay meron"

Choling DG Ingeniero Tita Nepomuceno "true"

Josie De Silva Ignacio Tita Nepomuceno "oh ganun po? Wala ng flag raising every morning??? "

Marla Dumbrique "Kabisado ko pa ,minsan kung akoy nag iisa yan ang binibigkas ko ang Panatang makabayan"

Hno Cris Palomar "Karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi na alam ang Lupang Hinirang, Panatang Makabayan at Pilipinas kong Mahal, hindi na tinuturo sa mga paaralan"

Erna Delacruz “Noong elementary school kinakanta namin ang bayang magiliw at lupang hinirang sa labas ng school nakatapat sa watawat ng pilipinas habang umaakyat ang watawat nakatingin ang mga bata at ang kamay kanan nakahawak sa baba ng puso sa kaliwa”

Winnie Banzuelo Hermo “Ako, tuwing nakakarinig ako ng tugtog ng Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas, ako'y umiiyak. Marami na kaseng mga kabataan ngayon na hindi marunong gumalang sa ating bandila pag itinataas. Sana, maturuuan sila.”

Justina Marcelo Winnie Banzuelo Hermo “pag nag Pambansang Awit na Lupang Hinirang lahat tumitigil at may paggalang ng nakalagay ang ating kanan kamay sa dibdib, at pagkatapos bigkasin ang panunumpa dapat maibalik ang pagkilala natin sa ating bansang Pilipinas, marami kabataan ang hindi na alam at nawala na rin paggalang at walang paki sa kalinisan, kalikasan. sana mabalik na rin ang GMRC”

Rey Caba Justina Marcelo “tama po kayo dati panahon ni pangulong ferdinand marcos sr. kapag narinig ang lupang hinirang lahat humihinto pati sasakyan inaantay matapos ang awit bago uli aarangkada ang mga tao at sasakyan”

Ernie Abordo Jr. “Noong una kahit wala ka sa loob ng eskwelahan at napadaan ka lang kapag narinig mo ng kumakanta ng lupang hinirang titigil ka sa paglalakad at tatapusin mo muna ang kanta bago ka ulit lumakad yan ay bilang paggalang natin sa ating inang bayan”

John N. Retuerto: “buti pa sa sinehan... bago magsimula ang palabas... tatayo muna at kinakanta ang Lupang Hinirang...”

Founder Eagle Nelson Acompañado "Ibalik dapat ang dating kaugaliang pagkanta at pag-awit ng (Lupang Hinirang), at ibalik din ang Panatang Makabayan... Kay ganda noong araw sa panahon ng yumaong apo lakay marcos, pagtungtong ng mga epal at mga anay sa lipunang mga oligarkiya, mga aquino... nawala na ang mga kagawiang kanta ng pambansang awit at panatang makabayan... pati mga lessons ng history ay toloyan ng inalis nila, pura bulagin ang mga mag aaral maging mga guro sa tunay at diwa ng kalahagahan nito.. Sana ngayon new administration ay mabalik na ang dating nakagawian ang pagkanta araw-araw ng (Lupang Hinirang) at pagbigkas ng (Panatang Makabayan) at (Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas) sa mga paaralan tuwing umaga..at flag retreat naman sa tuwing hapon.."

Charline Villafuerte Founder Eagle Nelson Acompañado "at kapag napadaan ka sa eskwelahan na inaawit ang lupang hinirang kailangan huminto at magbigay galang habang inaawit ito"

Charline Villafuerte "korek po at tama po talaga kayo maam.. sagad sa mga pangaral ang mga kabataang mag aaral noong unang mga nakaraang panahon, kay gandang isipin at gunitaing muli... kaya ang panawagan ng ating bagong halal na pangulong BBM, ibalik at sama sama tayong babangun muli... at taas noo kahit kanino..."

Ronaldo Sigua "Sa elementarya ngayon hindi kinakanta ang lupang hinirang sa loob ng kwarto araw-araw sabi ng anak ko tuwing lunes na lang... Kaya mga elementarya dapat din kabisado ang lyrics until now. Sana sa mga guro kahit bawal mag flag ceremony sa labas kahit sa loob ng classroom na lang araw arawin sana ang pagkanta ng lupang hinirang..."

Angel Domondon "baka hindi alam ang panatang makabayan"

Lita Reyes Sangalang Ronaldo Sigua "pati sana Pilipinas Kong Mahal"

Anila De Juan "Dapat isabatas na kapag tumutugtog at tinataas ang watawat kahit saang ĺugar dapat huminto ang mga tao at mga sasakyan"

Mico Cangmaong "Araw araw may flag ceremony at inaawit ang Pambansang Awit LUPANG HINIRANG pero sayang wala maintindihan ang Message sa flag at awit, ngayon binaluktot na ang kanilang tungkulin sa bayan, Protect the People Secure the Sovereignty of the State and the Integrity of the National Territory, wala binuboli na ang ating bansa sa China"

Vikki Reyes Pornobi "Di nga nahinto ang mga tao sa pglakad at pati mga sasakyan tuwing flag ceremony... Hindii pinapansin in short nawala na ang paggalang"

Isaac Mamucud "noon kami ang nasa elementarya sa labas kinakanta namin ang lupang hinirang at yung panatang makabayan, kung nasaan ang flagpole sa umaga itaas ang bandila araw-araw"

Nenita Torres Isaac Mamucud "Umaga at hapon iyan kinakanta, at yong flag hindi yan pinaulanan, tubing hapon ibinaba at ilagay sa lalagyan."

Isaac Mamucud Nenita Torres "tama po kayo, pag tag -ulan nakasabit sa harapan ng iskwelahan na hindi nababasa ng ulan"

Ronaldo Sigua Nenita Torres "ewan ko nga po bkit hindi na pinagagawa ng teacher ngaun yan... sila dapat nakaka alam ng ganyan para ipagawa sa ating mga anak... hindi na tao dapat pang ipaaalala pa sa kanila matik na dapat..."

Jenneth Rojas Nenita Torres "pag hindi ka naka attend ng flag ceremony, late ka!"

Isaac Mamucud Jenneth Rojas "kaya nga po, maaga kming pumapasok noon 7 a.m. time na 6 a.m. nasa school na kami."

Ronaldo Sigua Isaac Mamucud "principal at guro po dapat ang nagpapatupad ngaun nian sa skwelahan,,mukang nkalimutan npo na nila yan pag galng na yan... Cguro nmn ung mga teacher na ngaun ay inabot pa nila ung mga gawain na yan... So bakit hindi nila pinagpapatuloy ang ganyang paggalang sa ating watawat."

Isaac Mamucud Ronaldo Sigua "principal at teacher lahat nasa harapan kasama mga estyudante nila, napapansin ko ngayon may kinder, may preparatory pa may K-12 ang IQ nila parang bumababa napapansin ko lang."

Ligaya Rivera "kami noon daily morning ang hapon... pag grade 6 schedule nang pupils magpataas at pababa nang saka pagfold fold nang bandera pupils assigned pagkumpas ng pambansing awit (Lupang Hinirang) at iba naman sa panatang makabayan. Kaya almost 100 percent pupils summarized nila lahat. Grabe ang deciplina noon"

니노 Ligaya Rivera "baka memorize. Pero totoo"

Zenaida Leah Mateo "Tama po! Sana ibalik yung pagkanta tuwing umaga ang pambansang awit at panatang makabayan, kasi hindi na alam ng mga bata kantahin. Nakakahiya!"

Joon Bena Ligaya Rivera "memorize po, tama po kayo"

No comments:

Post a Comment