Wagi ang mga programang Kapuso sa buong taon ng 2017 batay sa nationwide television ratings ng pinagkakatiwalaang Nielsen TV Audience Measurement.
Mula Enero hanggang Disyembre, nakapagtala ang GMA Network ng 42.5 percent total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), kumpara sa 36.8 percent ng kalabang estasyon.
Ang naturang kalamangan na 5.7 points ay mas malaki kumpara sa 0.2 share point lead na nagawa ng GMA noong 2016.
Mula umaga hanggang gabi, panalo ang mga programang Kapuso sa Urban Luzon at Mega Manila, na bumubuo ng 76 at 59 percent ng lahat ng Urban viewers sa Pilipinas.
Nagtala ng 48.8 percent ang GMA sa Urban Luzon, kontra sa 31 percent ng kalabang network. Una rin ang Kapuso sa Mega Manila na 51.9 percent, na 26. 7 percent ang kalamangan sa kabilang estasyon.
Noong Disyembre, nagtala ang GMA ng 44. 3 percent sa NUTAM, na mas mataas kumpara sa 37.2 percent ng karibal na network.
Sa listahan ng top programs para sa 2017, 20 sa 30 programa ang mula sa GMA.
Nanguna ang "Encantadia," na dalawang magkasunod na taon na naging number one, na sinundan ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," "Destined To Be Yours," "Pepito Manaloto," "Magpakailanman," "24 Oras," "Super Ma'am," "Mulawin Vs Ravena," "Alyas Robin Hood," "Daig Kayo Ng Lola Ko," at "All-Star Videoke."
Pasok din ang "My Love From the Star," "Kambal Karibal, "Meant To Be," "Kapuso Movie Night," "24 Oras Weekend," Someone To Watch Over Me," "Hay Bahay!," "Wowowin", "Eat Bulaga", "Sunday Pinasaya", "Ika-6 Na Utos," "Hahamakin ang Lahat," "Legally Blind", "D'Originals", "Haplos" at "Tsuperhero."
Naging most watched tv special naman ang "Battle of Brisbane: Pacquiao Vs. Horn."
Kabilang naman sa progmang kagigiliwan at tutukan ngayong 2018 ang "The One That Got Away," "Sherlock Jr.," "Contessa," "The Stepdaughters," "Hindi Ko Kayang Iwan Ka," at "Sirkus." -- FRJ, GMA News

No comments:
Post a Comment