Friday, November 23, 2012

Lupang Hinirang Kit ipamamahagi sa Sorsogon

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 22 (PIA) – Namahagi ngayon ng Lupang Hinirang Kit ang Dr. Salvador H. Escudero III Foundation sa pangunguna ng maybahay ng yumaong 1st district congressman ng Sorsogon Hon. Salvador “Sonny” H. Escudero III na si Nanay Evie Escudero.

Alas-nuebe ng umaga kanina naganap ang turn-over ceremony ng mga Lupang Hinirang Kit para sa mga paaralan sa lungsod ng Sorsogon. Ang turn-over ceremony ay ginanap sa DepEd Multi-purpose Hall sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City kung saan tinanggap ang nasabing mga kit ni City Schools Division Superintendent Socorro V. Dela Rosa.


Mamayang hapon ay igagawad naman ang kahalintulad na kit sa Rotary Club of Metro Sorsogon (RCMS) sa Bacon East Central School, Bacon District, Sorsogon City kung saan tatanggapin ito ni RCMS president Dr. Dennis Donor.


Ang nasabing Lupang Hinirang kit ay naglalaman ng CD ng tamang awit at tugtog ng Lupang Hinirang na orihinal na komposisyon ni Julian Felipe, kopya ng Republic Act 8491 o mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines, kopya ng Basic Values Manual at Philippine Flag.


Matatandaang ang namayapang si Congressman Sonny Escudero ay isang masugid na tagapagsulong ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang at siya ring may akda ng Flag and Heraldic Code of the Philippines.


Alinsunod sa itinatakda ng section 37 ng Republic Act No. 8491, ang pagkanta ng Pambansang Awit, pinatutugtog man o kinakanta, ay dapat na naaayon sa pagkakaayos at komposisyon ni Julian Felipe.


Dagdag din ng R.A. 8491 na ang Lupang Hinirang ay dapat awitin sa ating pambansang wika, mapasa-ibang bansa man ito o dito sa Pilipinas.


Ang Pambansang Awit ay tinutugtog at inaawit tuwing may mga pampublikong pagtitipon ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.


Ayon sa R.A. 8491, naaayon sa alituntunin ng National Historical Institute ang paggamit ng awiting ito.


Pinagbabawal ng R.A. 8491 ang pag-awit nito bilang isang “recreation, amusement, o entertainment” maliban sa sumusunod: sa mga international competitions kung saan ang Pilipinas ang host o representative; mga lokal na kumpetisyon; tuwing "signing off" at "signing on" ng mga radio broadcasting at television stations; at bago ang pag-umpisa ng mga pelikula sa sinehan at iba pang mga theater performances. Ibinigay, na ang mga may-ari at pamamahala ng mga establisimyento ay dapat na utusan upang ipatupad ang tamang pakikitungo at ipatupad ang mga may kinalaman sa batas na ito; civic na aktibidad, mga palabas sa kultura o mga presentasyon at iba pang okasyon na maaaring pahintulutan ng NHI.


Ang Panatang Makabayan ay dapat na bigkasin pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit sa mga opisina at paaralan. Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas ay maaaring kabisado din, bagaman ang batas ay hindi tumutukoy kung sino ang kinakailangan upang gawin ito.


Habang ang section 20 naman nito ay nagsasaad na ang seremonya sa pagtataas ng watawat ng pilipinas sa mga opisyal o sibikong pagtitipon ay dapat na simple at may paggalang, at dapat na patugtugin o kantahin sa orihinal na lirikong Filipino at pamartsang ritmo.


Nakassad din sa RA 8491 na ang sinumang lalabag dito ay maaaring patawan ng parusa na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P20,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas sa isang taon.


Ang pangangailangan na pagtayo tuwing kinakanta at tinutugtog ang Pambansang Awit sa isang pagtitipon sa publiko tulad ng sinehan. Ang mga manonood na hindi tatayo tuwing 
kinakanta at tinutugtog ang Pambansang Awit ay maaaring hulihin sa pamamagitan ng citizens arrest ng security personnel at ushers.

Subalit ito’y mariing itinanggi ng mga mang-aawit. Tama lang daw ang kaniyang pagkaka-awit.


Kung gayon, papaano nga ba aawitin ang Lupang Hinirang?


Hindi naman siguro mahirap sagutin ang tanong na ito na kahit isang musmos na bata sa kindergarten ay alam kung papaano ito aawitin.


At papaano nga ba? Titindig dapat ng matuwid, iiwanan o ititigil panandali ang ginagawa, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, titingin sa watawat, sabay buka ng bibig habang sinasabayan ang kumpas ni titser at pag-awit ng “Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting. Sa manlulupig, di ka pasisiil”.

Hindi naman pala mahirap awitin kung saan kahit isang paslit na bata ay makaka-awit nito ng buong ningning. You don’t need to be a concert king or a balladeer to sing it, and sing it well. Ang kailangan lamang pala ay taglay ang dalisay na puso at malinis na pakay kapag aawit nito, tulad ng isang bata, at hindi upang ipagmalaki sa buong mundo na tayo ay magaling na mang-aawit. Ito ang tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Ang pagdiriwang ng ating Kalayaan at ito’y sa Hunyo 12. Nawa’y sa pag-awit natin ng Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa nakamit na kasarinlan, tiyaking tama ang lyrics ng ating awit at nasa tamang tono at bilis.

Memorized ko yung Lupang Hinirang tsaka yung old version ng Panatang Makabayan. yung new version, hindi ko man lang alam. College na kasi ako nung napalitang yung Panatang Makabayan, eh hindi naman nirerecite yung nung college na ko.

memorized ko kapag may kasabay ako.

Yup! (Naka-perfect ako sa pambansang awit at panatang makabayan) pero hindi ko po kabisado yung Ako ay Pilipino

Pagkatapos ng Lupang Hinirang, Panatang Makabayan naman, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat at sa huli Pilipinas Kong Mahal.

Dorie Linse "Tama ka, Maharlika, dahil simula ng grade 1 ako 1958 hanggang makatapos ng HS pagkatapos ng bayang magiliw ay panatang makabayan ang kasunod at papasok na sa silid aralan na may tugtog ng River Kwai."

Vien Neib Cie "Naabutan ko yan ... batang 90s ako hehe"

Reymond Mago Defeo "Dahil na din sa pag upgrade daw ng curiculom nabawasan yung pagka makabansa. Ako sa sarili ko dala ko pa hanggang ngayon ang turo ng mga guro na pagka makabansa. Pag papahalaga sa bansa bilang pilipino."

Del T. Blanco "My elementary days,mas magalang ang kabataan,mas may takot sa Diyos ,mas takot gumawa ng kalokohan pero mas masaya mababa pa ang mga krimen,kahit kamote at kamoteng kahoy ang tanghalian masaya na😃panahong kaunting bagay na naumit o ninakaw ng kaklase napakalaking kahihiyan na ng pamilya at magulang kung anak nila ang involve"

Feds Santos "👍🏻👊🏻 at yung mag exercise tayo tuwing umaga😁"

Lucy de Ocampo "Karamihan sa ngayun di na nga alam yang panatang makabayan. kami noon pagkatapos kantahin ang lupang hinirang kasunod naman panatang makabayan .. ganun din mga anak ko kung saan sila nag-aaral . ngaun iba na nagkatuon at abala ang ibang nasa gobyerno sa pagnanakaw, pangungurakot ..di nla alam kung ano kahulugan ng mga salita sa panatang makabayan .."

Armando Lalog Jr. "After FEM walang ginawa mga aquino at ibapa kung hindi magnakaw at sisihin si marcos."

Noel Mar "Kasi daw po ang yellow Democracy is a road to success!!!!!! Ay Syett ... road to hell pala to the filipinos .... but a luxurious living for the oligarchs!!!! ..... More Business and free of taxes... and you can spread fake news... get a good looking actor and actress ... promote their deceitful propaganda!!! And the best of them all , you have the holy shit.... Priests, bishops , Cardinals... who mix politics with religions, and sometimes make their homily not based on the Bible but lies and hypocrisy... to defend the oligarchs who probably donates large monetary amount and high valuable gifts.... what the hell to Yellow Democracy.... tinarantado nila ang bayan!!!!!"

Maria Koro "Ibang iba na talaga ngayon hindi nayan binibigkas sa school paano naman pati din Teacher ay adik narin yung iba"

Tita Nepomuceno "I think the panata has been reworded, although hindi ko alam ano yung mga pinalitan. Honestly memorized ko pa sya hanggang ngayon, dahil siguro i have Internalized it, naisa-puso ko na. Hindi na rin araw-araw na nagpa-flag ceremony in most schools, if ever lunes na lang at biernes. Lunes itinataas ang bandila, at biernes ibinababa. Dapat ngang ibalik yan flag ceremony araw-araw at ang recitation ng panatang makabayan. Sa araw araw at paulit ulit na pagre-recite, nai-internalize ng bata eventually nai-inculcate yung patriotism. Ewan ko ba sa DepEd, ang daming inalis sa curriculum, procedures and practices. Then marami ipinasok sa curriculum na hindi kailangan, while yung kailangan, inalis. Yan mga nasa DepEd kasi may mga masters at doctorate so habang nagaaral ang tao, nagiging matalino sa libro, bobo sa practical side of life.

Maharlika "Tita Nepomuceno tama po . Kaya nga dapat ang pinupwesto sa Dep-Ed ay may pagmamahal sa bayan at pahahalagahan ang edukasyon. Kailangan natin hubugin ang kabataan sa unang araw pa lang na pagpasok sa eskwelahan pati mga magulang kailangan i orient o seminar kung paano isapuso at isabuhay ang mga nabanggit sa Panatang Makabayan, Panunumpa sa watawat at sa Lupang Hinirang . Kumbaga iukit sa kanilang puso at isipan para dala-dala nila hanggang sa paglaki nila at maging responsableng mamayan sila."

Tita Nepomuceno "Yet kung napansin nyo Ms. Maharlika at mga kababayan, sa report card ng mga bata, may rating sa “patriotism”. Nung nakita ko yon noon, immediately ang reaction ko —paano nila ni-rate yung bata? how did the child demonstrated yung patriotism nya? anong pinagbasehan nung teacher sa grade o assessment nya nun?"

Antilegando Lacida Wilmita "Tama po mam Daming inalis, tapos shortened ang time ng students puro pera nasa ulo ng most school, bayad, donations kuno pero nagbabanggit ng amount at eto ay a must for every student, they shortened the time pero amount ng TF tumaas, they should be monitored! They don't learned much already kasi puro pera lang ang gusto ng school, They even call themselves Chistian school pero may ari mismo walang modo di marunong magbabayad ng utang!!!"

Deo Deo "Yes yong katipunero ang isip,salita at gawa...huwag yong makaliwa at wlang paki sa pinas..."

Emmanuel Padilla "Tita Nepomuceno pinalitan yan pag upo yan ni cory 1986 pinalitan lahat pati constitution ginawa na sila lang mga dilawan ang makikinabang pati DepEd ay binago yung mga original na curriculom noon araw araw ay msy flag ceremony at flag retreat yung preamble nga ay pinapamemorize pa sa amin sa subject ss college noon na Phol. Constitution kahit anong course ang iyong kinukha ay meron"

Choling DG Ingeniero Tita Nepomuceno "true"

Josie De Silva Ignacio Tita Nepomuceno "oh ganun po? Wala ng flag raising every morning??? "

Marla Dumbrique Kabisado ko pa ,minsan kung akoy nag iisa yan ang binibigkas ko ang Panatang makabayan

Erna Delacruz “Noong elementary school kinakanta namin yang baayaang magiliw at lupang hinirang sa labas ng school nakatapat sa watawat ng pilipinas habang inaakyat ang watawat nakatingin ang mga bata at ang kamay kanan nakahawak sa baba ng puso sa kaliwa”

Winnie Banzuelo Hermo "Ako, tuwing nakakarinig ako ng tugtog ng Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas, ako'y umiiyak. Marami na kaseng mga kabataan ngayon na hindi marunong gumalang sa ating bandila pag itinataas. Sana, maturuuan sila."

Justina Marcelo Winnie Banzuelo Hermo "pag nag Pambansang Awit na Lupang Hinirang lahat tumitigil at me paggalang ng naklagay ang ating kanan kamay sa dibdib, at pagkatapos ang panunumpa dapat mabalik ang pagkilala natin sa ating bansang Pilipinas, marami kabataan ang hindi na alam at nawala na rin paggalang at walang paki sa kalinisan, kalikasan. sana mabalik na rin ang GMRC”

Rey Caba Justina Marcelo “tama po kayo dati panahon ni pangulong ferdinand marcos sr. kapag narinig ang bayang magiliw lahat humihinto pati sasakyan inaantay matapos ang awit bago uli aarangkada ang mga tao at sasakyan”

Ernie Abordo Jr. “Noong una kahit wala ka sa loob ng eskwelahan at napadaan ka lang kapag narinig mo ng kumakanta ng bayang magiliw titigil ka sa paglalakad at tatapusin mo muna ang kanta bago ka ulit lumakad yan ay bilang paggalang natin sa ating inang bayan”

John N. Retuerto: “buti pa sa sinehan... bago magsimula ang palabas... tatayo muna at kinakanta ang Lupang Hinirang...”

Founder Eagle Nelson Acompañado "Ibalik dapat ang dating kaugaliang pagkanta at pag awit ng (Lupang Hinirang), at ibalik din ang Panatang Makabayan... Kay ganda noong araw sa panahon ni late apo lakay marcos, pagtungtong ng mga epal at mga anay sa lipunang mga oligarkiya, mga aquino.. nawala na ang mga kagawiang kanta awit at panatang makabayan.. pati mga lessons ng history ay toloyan ng inalis nila, pura bulagin ang mga mag aaral maging mga guro sa tunay at diwa ng kalahagahan nito.. Sana ngayon new administration ay mabalik na ang dating nakagawian ang pagkanta araw-araw ng (Lupang Hinirang) at pagbigkas ng (Panatang Makabayan) at (Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas) sa mga paaralan tuwing umaga..at flag retreat naman sa tuwing hapon.."

Charline Villafuerte Founder Eagle Nelson Acompañado "at kapag napadaan ka sa eskwelahan na inaawit ang lupang hinirang kailangan huminto at magbigay galang habang inaawit ito"

Charline Villafuerte "korek po at tama po talaga kayo maam.. sagad sa mga pangaral ang mga kabataang mag aaral noong unang mga nakaraang panahon, kay gandang isipin at gunitaing muli... kaya ang panawagan ng ating bagong halal na pangulong BBM, ibalik at sama sama tayong babangun muli... at taas noo kahit kanino..."

Ronaldo Sigua "Sa elementarya ngayon hindi kinakanta yan lupang hinirang sa loob ng kwarto araw-araw sabi ng anak ko tuwing lunes na lang... Kaya mga elementarya dapat din kabisado ang lyrics until now. Sana sa mga guro kahit bawal mag flag ceremony sa labas kahit sa loob ng classroom na lang araw arawin sana ang pagkanta ng lupang hinirang..."

Anila De Juan "Dapat isabatas na kapag tumutugtog at tinataas ang watawat kahit saang ĺugar dapat huminto ang mga tao at mga sasakyan"

Mico Cangmaong "Araw araw may flag ceremony at inaawit ang Pambansang Awit LUPANG HINIRANG pero sayang wala maintindihi ang Message sa flag at awit, ngayon binaloktot na ang kanilang tungkolin sa bayan, Protect the People Secure the Sovereignty of the State and the Integrity of the National Territory, wala binuboli na ang ating bansa sa China"

Vikki Reyes Pornobi "Di nga nahinto ang mga tao sa paglakad at pati mga sasakyan tuwing flag ceremony di pinapansin... in short nawala na ang pggalang"

Isaac Mamucud "noon kami ang nasa elementarya sa labas kinakanta nmin ang lupang hinirang at yung panatang makabayan, kung nasaan ang flag pole sa umaga itaas ang bandila araw-araw"

Nenita Torres Isaac Mamucud "Umaga at hapon Yan kinakanta, at yong flag, di Yan Pina ulanan, tubing hapon ibinaba at ilagay sa lalagyan,"

Isaac Mamucud Nenita Torres "tama po kayo,pag tag ulan nakasabit sa harapan ng iskwelahan na di nababasa ng ulan"

Ronaldo Sigua Nenita Torres "ewan ko nga po bkit hindi na pinagagawa ng teacher ngaun yan... sila dapat nakaka alam ng ganyan para ipagawa sa ating mga anak,,hindi na tao dapat pang ipaaalala pa sa kanila matik na dapat,,"

Jenneth Rojas Nenita Torres "pag di ka naka attend ng flag ceremony, late ka"

Isaac Mamucud Jenneth Rojas "kaya nga po,maaga kming pumapasok noon 7am time na 6am nasa school na kami."

Ronaldo Sigua Isaac Mamucud "principal at guro po dapat ang nagpapatupad ngaun nian sa skwelahan,,mukang nkalimutan npo na nila yan pag galng nayan,,, Cguro nmn ung mga teacher na ngaun ay inabot pa nila ung mga gawain na yan,, So bakit hindi nila pinagpapatuloy ang ganyang paggalang sa ating watawat,, 

Isaac Mamucud Ronaldo Sigua principal at teacher lahat nasa harapan kasama mga styudante nila,napapansin ko ngayon may kinder,may prep pa may k12 ang iq nila parang bumababa napapansin ku lng.

Ligaya Rivera "kami noon daily morning ang hapon . paggrde 6 schedule nang pupils magpataas at pababa nang saka pagfold fold nang bandera pupils assigned pagbeat ng pambansing awit (Lupang Hinirang) at iba naman ang sa panatang makabayan. Kaya almost 100 percent pupils summarized nila lahat. Grabe ang deciplina noon"

니노 Ligaya Rivera "baka memorized. Pero totoo"

Zenaida Leah Mateo "Tama Po sana ibalik yung pagkanta tuwing umaga ang pambansang awit at sa panatang makabayan. Kasi Hindi na alam ng mga bata kantahin. Nakakahiya!"

Joon Bena Ligaya Rivera "memorize po, tama po kayo" (B. A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment