Wednesday, September 20, 2017

UP Concert Chorus, ipinarinig kung paano dapat kantahin ang Lupang Hinirang


Kung ang UP Concert Chorus ang tatanungin, ganito raw dapat inaawit ang ating National Anthem.

Naniniwala silang dapat na igalang ang orihinal na komposisyon ni Julian Felipe, pero merong itong iba't ibang bersyon, may mabilis: "Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay / Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil" at merong kasimbilis: "sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa'yo."

Ang mahalaga, sundin ang orihinal na himig na ito.

"And then, ang mga umaawit kay Pacquiao, si ating kaibigan, and, sana naman nag-consult muna bago para hindi naman sila magsalita uli, and merong kasing law", sabi ni Prof. Janet Sabas-Aracama, Artistic Director and Conductor, UP Concert Chorus.

Pirme na lang ang isyu ng "Lupang Hinirang" tuwing may laban si Manny Pacquiao, iba't-ibang sikat na singer na ang umaawit na ito pero halos lahat hindi umano sumunod sa orihinal na komposisyon.

"Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay / Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil, sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa'yo." Di ba? Martial siya? And I think the way we should, that way good itself already," sabi ni Dr. Ramon Acoymo, Associate Professor Voice and Music Theater/Dance Department.

Isa pang bagay na laging na iniiba ng mga singer ay ang dulo ng "Lupang Hinirang".

Kung titignan natin yung original version ng "Lupang Hinirang" ni Julian Felipe, makikita natin na yung nota doon sa dulo parang ganito na siyang maririnig. Pero ang madalas ginagawa ng mga singers sa boxing match ni Manny Pacquiao na ibang-iba doon sa original na melody na sinulat ni Julian Felipe.

"Ang mga kulot, birit, ornament, dekorasyon, o embellishment should only sang the original intent from the music and the words. Kung ang ginawa mo ay nakakatanggal na focus, so dapat i-focus ang tao, masiyadong marami ngayon, it's too much", sabi ni Acoymo.

May kalayaan daw ang lahat na singers ng bigyan ng ibang interpretasyon ng isang awitin, pero sa kaso ng National Anthem, may sapat na dapat sundin, at malinaw sa RA 8491, section 37, na ang tamang pag-awit ng National Anthem ay ang bersyon ni Julian Felipe, dapat 2/4 beat ang pagtugtog dito, at dapat ay nasa 100 hanggang 120 beats per minute sa 4/4 beat kapag kinakanta.

Kapag ito ay narinig, tumayo ng matuwid, humarap sa watawat at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit.

Ito ay pwedeng kantahin sa pandaigdigang kumpetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa signing on at signing off ng mga himpilan ng radyo at telebisyon; bago ang pagbubukas ng oras ng trabaho at nagtatapos ang oras ng trabaho ng mga emplyeado sa mga opisina; sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang mga teatrong pagtatanghal.

Ang Panatang Makabayan ay dapat na bigkasin pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit sa mga pangunahing institusyong pang-edukasyon. Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas ay maaaring kabisado din, bagaman ang batas ay hindi tumutukoy kung sino ang kinakailangan upang gawin ito.

Ang sinong lumabag nito na babastusin o gagawing katatawanan ang pambansang awit ay mahaharap sa kasong criminal o administratibo o dapat na magmulta ng 5,000 to 20,000 pesos o isang taong pagkakakulong.

Mukahin ng UP College of Music, sana raw ipagkalat ang National Historical Institute ang orihinal na bersyon at masusing ituro ito ng mga mangaawit na hindi na muli pagmulan pa ng kontrobersya.

No comments:

Post a Comment