Tatlong taon bago mapaso ang prangkisa, naghahanap na ang may-ari ng higanteng television network ABS-CBN Corporation ng mabibiling kompanya upang maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Ang hakbang ng mga Lopez ay bunsod ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos sa Disyembre 31, 2023.
Sa nakuhang impormasyon ng Abante mula sa mapagkakatiwalaang source, kinausap na ni Eugenio Lopez III, chairman ng kompanya, si Bro. Eddie C. Villanueva, lider ng Jesus is Lord Movement (JILCW).
Nais umano ni Lopez na bilhin ang ZOE Broadcasting Network Inc., ang kompanyang minamay-ari ng JIL. Ang nasabing network ang nagmamay-ari ng flagship station DZOE-TV (GMA News TV-11), affiliate ng karibal ng ABS-CBN na GMA Network, at ang DZOZ-TV Light Network Channel 33.
Noong Hulyo 2016 lamang ni-renew ng Kongreso ang 25-taong prangkisa ng ZOE, dating minamay-ari din ng influential religious group na El Shaddai DWXI Prayer Partners Foundation International ni Bro. Mike Z. Velarde bago sila naghiwalay ni Villanueva sa kompanya noong dekada 90.
Sa negosasyon ng dalawa, bukas umano ang lider ng JILCW na ibenta sa ABS-CBN ang ZOE TV pero hindi 100 percent na isusuko niya ang kompanya dahil nais nitong magkaroon ng equity sa ABS-CBN.
Sa kabila nito, wala pang indikasyon na isinara na ang deal dahil wala na umanong kasunod na meeting ang dalawa.
Ang ABS-CBN at ang Philippine Daily Inquirer ang paboritong upakan ni Pangulong Duterte dahil sa slant ng mga balita laban sa kanya. Nitong Hulyo lamang ay bago na ang may-ari ng Inquirer nang ibenta ng pamilya Prieto ang majority stake nila sa business tycoon na si Ramon Ang.
Hindi makalimutan ni Pangulong Duterte ang ginawa sa kanya ng ABS-CBN noong 2016 presidential elections dahil kahit nagbayad na siya para sa infomercial, hindi naman ipinalabas ng kompanya ang komersyal at hindi rin umano ibinalik sa kanya ang bayad.
Dahil sa naging posisyon ng Pangulo, natengga sa House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez ang House Bill No. 4349 para sa 25-year franchise renewal ng ABS-CBN.
Hindi rin makagalaw si Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public services, dahil kailangang aprubahan muna ng Kamara ang franchise application ng ABS-CBN bago magdaos ng public hearing at isalang sa pagpapatibay sa Senado.
Noong 16th Congress, nagsumite rin ang ABS-CBN sa Kongreso ng aplikasyon para sa renewal ng franchise subalit noong 2014, binawi ang aplikasyon, marahil ay umaasa na ‘kaibigan’ nila ang mananalo sa 2016 presidential elections.
Kapag hindi nakapag-renew ng franchise ang ABS-CBN sa 2020 at wala silang nalipatang channel, nanganganib na magsara ito at mawalan ng trabaho ang tinatayang 11,000 empleyado ng kompanya.
Noong 2016 kung saan tumabo sila sa kita ng mga kandidatong tumakbo sa halalan, naitala nila ang net income na P3.52 bilyon.
Nagsimula ang kompanya bilang Bolinao Electronics Corporation noong 1946 bago binago ang pangalan ng kumpanya noong 1952 bilang Alto Broadcasting System (ABS). Kasunod nito ay nagsanib naman sila ng kumpanyang Chronicle Broadcasting Network (CBN).
Samantala, hiningan ng reaksyon ng Abante ang ABS-CBN ukol sa balitang ito subalit itinanggi ng isang opisyal ng network na may balak silang bilhin ang ZOE Broadcasting Network Inc.
“It’s not true that ABS-CBN is buying their stations,” pahayag ni Kane Errol Choa, head ng ABS-CBN Corporate Communications.

No comments:
Post a Comment