BABALA sa mga babaguhin o iibahin ang tono ng Pambansang Awit: Pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000!
Pasado na ang House Bill No. 5224 na nagtatakda na dapat awitin sa tamang tono ang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” at inaatasan ang lahat ng Pilipino na kantahin ito habang ginagawa sa publiko. Ang sinumang hindi sumunod ay mapaparusahan. Dati ang multa sa mga nagpapalit ng tono sa “Lupang Hinirang” ay P5,000 hanggang P20,000 lamang.
Napapanahon ang pagpapasa ng batas na ito sapagkat marami na sa mga kabataan ngayon ang hindi na pinahahalagahan ang Pambansang Awit. Marami ang hindi kabisado o memoryado ang “Lupang Hinirang” at basta sumusunod na lamang sa agos kapag kinakanta. Wala na ring epekto sa kanila ang pagkanta nito na para bang karaniwan lang at hindi na pinahahalagahan. Tiyak na kung may magbibigay ng exam at ipasusulat o ipakakanta ang “Lupang Hinirang” marami ang hindi makakapasa.
Isang paraan kung paano tatangkilikin o mamahalin ang “Lupang Hinirang” ay sa pamamagitan ng pagbabalik nang araw-araw na flag ceremony sa mga paaralan at opisina. Sa kasalukuyan, tuwing Lunes na lang ginagawa ang flag ceremony at saka uulitin ng Biyernes, kung kailan ibababa ang watawat.
Kung araw-araw na kakantahin sa umaga ang “Lupang Hinirang”, tiyak na makakabisado ito ng mga mag-aaral. Napapanahon na para ibalik ang dating nakaugalian nang pag-awit sa “Lupang Hinirang” para naman hindi mawala ang pagmamahal sa bansa. Malaki ang naidudulot nang sama-samang pagkanta sa Pambansang Awit. Naisasapuso at nadarama ang labis na pagkamakabayan.
Ipatupad sana ito sa lalong madaling panahon.
Samantala, isang solusyon na naisip ng RockEd Philippines para maturuan ang kabataang Pilipino ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang, ang animated version nito. Pero, ayon sa NHCP, hindi maaring gamitin sa entertainment ang bersyon na ito.

No comments:
Post a Comment