Republic Act 3846 (RA 3846) ang batas na nagtatakda na lahat ng mga commercial broadcasting corporation — kabilang ang mga istasyon ng telebisyon at radyo — ay kailangang kumuha ng prangkisa mula sa Kongreso para makapag-operate.
Pareho ang prosesong dinadaanan ng isang panukalang batas at ng isang congressional franchise na ang ibig sabihin ay kapag nakapasa ito sa Kongreso at kailangan pa ang pirma ng pangulo ng bansa para maging isang ganap na batas o prangkisa.
Nakapaloob sa letra at espirito ng ng RA 3846 ang prinsipyo na ang airwaves ay hindi pag-aari ng mga istasyon ng telebisyon at radyo kundi ng pamahalaan na ang pagpayag ng gobyerno sa paggamit ng naturang airwaves ay sa anyo ng isang congressional franchise.
Umaabot ng 25 taon ang taning ng isang prangkisa at puwede uling i-renew ito ng panibagong 25 taon. Sa kaso ng ABS-CBN, sa Marso 30, 2020 mapapaso ang prangkisa nito na huling na-renew noong Marso 30, 1995.
Walang duda na tagilid ang renewal ng ABS-CBN franchise dahil sa tindi ng galit sa mga Lopez ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang ulit na ring binatikos at minura ni President Rody ang ABS-CBN sa kanyang mga talumpati at pinakahuli ay noong Sabado sa harap ng mga Pilipino sa Hongkong.
Partikular na isyu ni Duterte laban sa ABS-CBN ang hindi nito paglalabas ng kanyang TV commercial noong 2016 presidential campaign bilang sagot sa TV advertisement ni Senador Antonio Trillanes IV na inilabas din ng ABS-CBN.
Sa kabila ng pagbabayad ng kampo ni Duterte ng P1.8 million para sa kanilang sagot kay Trillanes, hindi inilabas ang Duterte TVC na malinaw na kaso ng estafa dahil hindi rin ibinalik ang kanilang ibinayad.
“Has been there for about 25 years. Sabi ng batas okay na, only if you adhere to journalistic (standards). Ang ginawa ninyo sa amin estafa, swindling, not only me but Chiz Escudero, marami pa ‘yan. P***** i** harap-harapan magkolekta kayo tapos estafa ninyo kami,” pahayag ni Duterte sa kanyang mga nakalipas na talumpati.
Bukod sa pang-eestafa ng ABS-CBN, galit din si Duterte sa naturang network dahil sa walang humpay na mga batikos at banat nito sa kanyang pamahalaan partikular sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Plano ni Duterte na magsampa ng kaso ng estafa at swindling sa ABS-CBN para ito ang magsilbing pormal na reklamo na siyang sasagka sa renewal ng prangkisa nito na dapat ay naipasa na ng 16th Congress na nagsara noong Hunyo 6, 2016. Dalawang panukalang batas para sa ABS-CBN franchise ang inihain sa Kongreso ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao noong Setyembre 2014 at ni Baguio Rep. Nicasio M. Aliping Jr. noong Disyembre 2014 na parehong hindi naaksyunan bago nagtapos ang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ang malaking tanong na lang ay kung may mga kongresista na maglalakas-loob na mag-sponsor sa ABS-CBN franchise bill gayung alam nilang ito papasa sa mababang kapulungan na kontrolado ng partido ni Duterte.
At hindi nakakapagtaka kung mapilitan ang mga Lopez na ibenta ang 51 percent ng ABS-CBN sa mga negosyanteng malapit kay Duterte matiyak lang na makakapag-operate pa rin ito sa ilalim ng bagong mga may-ari. Ano nga kaya?
http://www.abante.com.ph/order-tagilid-ang-congressional-franchise-ng-abs-cbn.htm

No comments:
Post a Comment