Tuesday, March 7, 2017

MAKATI HYMN

Minsan mayro'ng isang bayan
Na halos bilang ang daan
Ilang kabahayan, napapaligiran
Ng sapa at talahiban

At ‘yan ang aking nagisnan
Ang kwento ni lola minsan
Takang-taka ako, ibang-iba ito
Sa ngayong kabihasnan

Makati, Makati, 'yan ang bayan
Pinaka maganda siya, kaninuman
Makati, Makati, Inang tunay
Unang-una, siya ang kulay
Nitong aking buhay

Kayong mga kaibigan ko
Tiyak na maiibigan n’yo
Dito manirahan, sa tangi kong bayan
Makati kong mahal

Makati, Makati, 'yan ang bayan
Pinaka maganda siya, kaninuman
Makati, Makati, Inang tunay
Unang-una, siya ang kulay
Nitong aking buhay

Kayong mga kaibigan ko
Tiyak na maiibigan n’yo
Dito manirahan, sa tangi kong bayan
Makati kong mahal

No comments:

Post a Comment