Tuesday, October 18, 2016

HUBOG (Curved)



  • Title: HUBOG (Curved)
  • Running Time: 1 hour, 37 minutes
  • Lead Cast: Assunta de Rossi, Jay Manalo, Wendell Ramos and Alessandra de Rossi. also starring: Ryan Eigenmann, Tony Mabesa, Jim Pebangco, Mel Kimura, Malou Crisologo, Jackie Castillejo, Alvin Bernales, Joseph Izon introducing Yo Ocampo, Bobby Benitez, Romel Villamor, Dante Javier, Bon Vibar, Felino Obach, Gigette Reyes, Mario Magalona, Banawe Miclat, Girlie Alcantara and Macky Aquino with the special guest appearance of Joanne Quintas
  • Director: Joel Lamangan
  • Assistant director: Garry Fernando
  • Sound supervisor: Albertine Idioma
  • Musical Director: Jessie Lasaten
  • Film Editor: Tara Illenberger
  • Production designer: Larry Matic
  • Cinematography: Gerlie Grace Romulo Araojo
  • Story and Screenplay by Roy Iglesias
  • Associate Producer: Lalou Reyes- Gabriel
  • Line producer: Manny Valera
  • Supervising producer: Roselle Monteverde-Teo
  • Executive producers: Ronald Stephen Monteverde, Richard Goldwin Monteverde 
  • Production manager: Raul Caro
  • Script supervisor: Julius Alfonso.
  • Make-up artist: Siony Tolentino 
  • Still photographer: Raul Adriano
  • Gaffer: Boy Tambien
  • Stunt director: Dante Javier. 
  • Prosthetics: Benny Batoctoy
  • Schedule Master: Jeffrey Cantuba
  • Production assistant: Bong Cantuba
  • Wardobe: Dennis Loterte
  • Set dresser: Manny Meneses
  • Property masters: Rico Gotis and Fernando Tan, Jr.
  • Head Setman: Carding Gotis
  • Setmen: Jojo Fontanilla, Buboy Costalles, Joe Costalles
  • Art Department's Buyer: Henry Pangan
  • Field Cashier: Mafe Davad
  • Utility Men: Roy Berdida, Mel Hernandez and Josay
  • Crowd Directors: Myla Ajero, Lorna Sanchez
  • Crowd Control: Edward Belaro, Erick Obras, Boymart
  • Genre: Drama 
  • Distributor: Good Harvest Productions
  • Sponsor: FHM Philippines
This movie is inspired from an episode of Pira-Pirasong Pangarap.

Nang sila ay maulila, ipinangako ni Vanessa (Assunta del Rossi) na hindi ihihiwalay sa kanyang piling ang kapatid na si Nikka (Alessandra de Rossi), isang dalagitang kulang sa pag-iisip. Kahit hindi angkop ang kapaligiran ng squatters area sa pag-hubog kay Nikka, ibig patunayan ni Vanessa sa DSWD na kaya niyang buhayin at gabayan ang kapatid. Dalawa ang mangingibig ni Vanessa, ang taxi driver at police asset na si Oliver (Wendell Ramos), at si Uno (Jay Manalo) na bodyguard ng isang pinuno ng sindikato sa Pier. Sino sa dalawa ang pipiliin ni Vanessa na magbibigay ng pagmamahal hindi lamang sa kanya kundi para rin kay Nikka? Sa kanyang pagpili, isang di-inaasahang trahedya ang naganap.

Napapanahon ang pelikulang Hubog pagkat tinatalakay nito ang buhay sa lipunan ng mga mahihirap. Masinop na sinuri ni Lamangan ang buhay ng mga tauhan sa lipunang kanilang ginagalawan at matagumpay itong naisalin sa pelikula. Ang mga eksena sa squatters area ay likha ng isang mahusay na sinematograpiya at kahanga-hangang production design. Masasabing makasining ang mga sex scenes at makatotohanan ang pagtalakay sa buhay ng mga kriminal. Ngunit ang kahusayan ng Hubog ay ang pagkaganap ng magkapatid na de Rossi at pagkakadirihe ng dalawang ito. Malayo ang mararating ng magkapatid kung makasining at hindi exploitation ang paiiralin sa kanilang pagganap.

Ang Hubog ay isang epektibong salamin ng exploitation ng mga mahihirap. Hindi ito kasaysayan ng iisang indibidwal kundi ng isang buong komunidad na nagnanais iangat ang antas ng kanilang buhay. Sinasagisag ng squatters area, na pinangyarihan ng kuwento, ang kapabayaan ng pamahalaan ang puwersa ng awtoridad at mayayaman, at ang kawalang pag-asa ng mga mahihirap na siyang nagtutulak na sirain hindi lang ang sariling buhay kundi pati ng mga taong nasa kapaligiran nila. Ang solusyon nila ay paghihiganti. Subalit ang karahasan at kamunduhan ay hindi laging bunga ng kahirapan. Sa lipunan ng mga mayayaman at edukado ay marami ding ahas. Sa kabila ng lahat ng patayan, pananakit at murahan, may isang katangi-tanging bagay na ipinakita ang kuwento: ang sakripisyo ng isang kapatid para manatili ang kanilang dignidad at maiangat ang kanilang sarili sa gitna ng kahirapan. Ngunit sayang at hindi ipinakita sa pelikula na ang kalutasan ng krisis o ang pag-papagaan ng isang problema ay nasa relasyon niya sa Panginoon…na ang pananampalataya sa Kanya ang magdudulot ng isang malalim na ligaya at kapayapaan upang siya sumulong sa buhay.

No comments:

Post a Comment