Monday, September 29, 2014

Angelus, Lord's Prayer, Psalm 91 (Religious Prayer)

The Angelus (Orasyon)

Ating dasalin ang ORASYON.

(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

Namumuno: Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria
Bayan: At siya'y naglihi lalang ng Espirito Santo.

Aba Ginoong Maria napupuno ka nang grasya, ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang inyong anak na si Hesus. Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming kasalanan, ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.

N: Narito ang alipin ng Panginoon
B: Maganap nawa sa akin ayon sa Wika Mo

Aba Ginoong Maria napupuno ka nang grasya, ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang inyong anak na si Hesus. Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming kasalanan, ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.

N: At ang Verbo ay nagkatawang tao,
B: At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria napupuno ka nang grasya, ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang inyong anak na si Hesus. Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming kasalanan, ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.

N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,
B: Nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin tayo:
Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit. Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin.

Amen.

(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

THE LORD'S PRAYER
Written By Albert Hay Malotte

Our Father, who art in heaven
Hallowed be thy Name
Thy kingdom come
Thy will be done on earth
As it is in Heaven

Give us this day our daily bread
And forgive us our debts
As we forgive our debtors

And lead us not into temptation
But deliver us from evil
For thine is the kingdom
And the power and the glory forever

Amen

Salmo 91

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: "Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan." Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas. Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, "Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!"

No comments:

Post a Comment