November 25, 2006 - Nagpahayag ng pakikidalamhati si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpanaw ni Maximo "Max" Soliven, publisher at chairman of the Board ng Philippine Star, at isang batikan at respetadong mamamahayag sa bansa.
Si Soliven, 77, ay namatay kahapon ng umaga dahil sa pneumonia sa isang ospital sa Tokyo, Japan.
"The nation is deeply saddened by the passage of an icon of freedom. The post-war march could not have been as vibrant without Max Soliven, who fought beside the forces of enlightenment in the struggle against despotism and wrong," pahayag ng Pangulo.
Naghayag din ng pakikiramay ang Senado sa pagpanaw ni Soliven.
Sa edad na 20, naging associate editor si Soliven sa The Sentinel, isang Catholic newspaper at pumunta sa Manila Chronicle bilang beat reporter, bago lumipat sa Manila Times mula 1957 hanggang 1960.
Bilang foreign correspondent, naging bahagi si Soliven sa mga major events sa Asia at buong mundo, kung saan nagkober din siya sa Vietnam War, 1968 Tet Offensive at Gestapo coup sa Indonesia noong 1965.
Eksklusibo rin siyang nagkober ng buksan ang unang atomic bomb sa People's Republic of China at nainterview si Chinese Premier Zhou Enlai.
Nakulong si Soliven ng ibaba ang Martial Law noong 1972 kung saan kolumnista siya sa Manila Times at pinakawalan makaraan ang 3 buwan sa kundisyon na hindi siya pwedeng lumabas ng bansa sa loob ng 7 taon.
Nitong 1986 ay itinatag ni Soliven at Betty Go-Belmonte ang pahayagang Philippine Star, na isa sa mga nangungunang publikasyon ngayon.
Nasa tabi ni Soliven ang kanyang misis na si Preciosa at ang ambassador sa Japan na si Domingo Siazon Jr., nang ito ay bawian ng buhay.
Bago pumanaw, si Soliven ay isa sa mga naging negotiators noong magkaroon ng standoff sa pagitan ng rebel soldiers at government troops sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.
Nakatakdang iuwi sa bansa ang kanyang labi.
Ang pagyao ni Soliven ay ipinagluluksa hindi lamang ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan sa hanapbuhay kundi ng buong STAR Group of Publications. (Lilia Tolentino/Rudy Andal/Angie dela Cruz)

No comments:
Post a Comment