Bagong taon, panibagong pag-asa
Sa pagtatapos ng pangalawang taon ng aking pamumuno, Binubuksan natin ang isang bagong yugto sa ating kasaysayan bilang isang bansa. Bagamat may namumutawing agam-agam tungkol sa kalagayan ng ating ekonomiya, malaki ang aking paniniwala na ang bagong taon ay may dalang panibagong pag-asa.
The second year of my administration has been a trying year for us all, but despite this, our collective efforts to push through amidst our difficulties have reinforced our ties as a people.
Our people have always been known for being resilient and one of the most spiritually inclined in the entire world.
Our history has been forged by the many victories born from the heroism and indomitable spirit of the Filipino in responding to the challenges of his time. And during times of crisis; we have always turned to prayer for guidance, inspiration and for national unification.
In welcoming the new year, let us be united in prayer and in our efforts to heal our nation. The challenge of being truly Filipino lies in being able to transcend time and distance, blood and kinship, political and social differences. Ultimately, each one of us will be judged on the basis of what we have done for our motherland and for our countrymen.
Kailangang nating magkaisa at magtulungan para harapin ang mga pagsubok at hamon ng ating panahon. Maraming bagyo na ang dumating sa ating pambansang pamumuhay subalit ang lahat ay ating nalampasan ng buong galing at husay.
Kaya hinihiling ko na magkaisa na tayo at magtulungan upang labanan ang kahirapan at buuin ang isang mas matatag at mas maunlad na Pilipinas. Patunayan natin sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay kayang bumangon sa pamamagitan ng sarili nating pagsisikap at pagtutulungan.
Maraming salamat po at hangad ko ang isang masaganang bagong taon para sa ating lahat.
GLORIA MACAPAGAL-ARROYO
President
No comments:
Post a Comment