Thursday, January 18, 2007

Pagbaligtad ng witness sa Bersamin killing minaliit ng QCPD

Minaliit lamang ng Quezon City Police District (QCPD) ang ginawang pagbaligtad ng lone witness na si Rufino Panday sa pamamaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin, Jr.

Ayon kay QCPD director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula imposible ang sinasabi ni Panday na pinahirapan siya upang aminin ang kanyang pagkakasangkot sa P5 milyon pagpatay kay Bersamin.

Bunsod nito, sinabi ni Gatdula na pinag-aaralan nila ang pagsasampa ng kasong perjury matapos nitong bawiin ang kanyang naunang testimonya.

Idinagdag pa ni Gatdula na kay Panday din nanggaling ang impormasyon tungkol sa motorsiklo, ang pangalang Freddie Dupo at ang nag-drive sa get away vehicle matapos ang pamamaslang kay Abra Congressman Luis Bersamin noong Disyembre sa Mt. Carmel Church.

Una nang sinabi ni Panday na tinakot siya ni Sr. Supt. Franklin Mabanag, hepe ng QCPD-Criminal Investigation Division upang umamin sa krimen.

Lumilitaw sa report ng Criminal Investigation and Detection Group na posibleng si Abra Governor Vicente Valera ang nasa likod ng pagbawi ni Panday sa kanyang testimonya.

Nabatid naman kay CIDG chief, Director Edgardo Doromal na kinukumpirma pa nila ang impormasyong kanilang natanggap na nag-withdraw ng P5 million ang asawa ni Valera para sa naturang kaso. (Doris Franche)

https://www.philstar.com/metro/2007/01/18/380549/pagbaligtad-ng-witness-sa-bersamin-killing-minaliit-ng-qcpd

No comments:

Post a Comment