PURIHIN ANG PANGINOON
KORO: Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaayaayang lira
Hipan ninyo ang trompeta.
Sa ating pagkabagabag, sa Diyos tayo’y tumawag
Sa ating mga kaaway, tayo ay kanyang iniligtas.
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaayaayang lira
Hipan ninyo ang trompeta.
Ang pasaning mabigat, sa ‘ting mga balikat;
Pinagaan ng lubusan, ng Diyos na tagapagligtas.
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaayaayang lira
Hipan ninyo ang trompeta.
Kaya’t Panginoo’y dinggin, ang landas N’ya’y tahakin,
Habambuhay ay purihin, kagandahang loob N’ya sa ‘tin.
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaayaayang lira
Hipan ninyo ang trompeta.
Tanging Yaman
KORO:
Ikaw ang aking tanging yaman,
Na di lubusang masumpungan.
Ang nilikha Mong kariktan,
Sulyap ng 'Yong kagandahan.
Ika'y hanap sa tuwina, nitong pusong Ikaw lamang ang saya.
Sa ganda ng umaga, nangungulila sa 'Yo, Sinta. (KORO)
Ika'y hanap sa tuwina, sa kapwa ko Kita laging nadarama.
Sa iyong mga likha, hangad pa ring masdan ang 'Yong mukha. (KORO)
May Bukas Pa
Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw
Sa daigdig, ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na Maylalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
Sa daigdig, ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na Maylalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
IKAW
Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawa't pagkakataon
Ang ibigin ko'y ikaw
Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw
Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpakailan pa man
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay...
Ang mahalin ay ikaw
Kulang ang magpakailan pa man
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay...
Ang mahalin ay ikaw