Friday, May 19, 2023

Papaano ba Aawiitin ang Lupang Hinirang?


Papaano nga ba aawitin ang ating Pambansang Awit, ang “Lupang Hinirang”? Ito marahil ang katanungang naglalaro ngayon sa isipan ng mang-aawit na si Martin Nievera matapos na makatanggap na maraming puna sa loob at labas ng bansa sa pagkaka-awit niya ng “Lupang Hinirang” sa boxing match ni Pacman sa Vegas.

Sinasabing binago raw ni Martin ang pag-awit nito. Aking napanood ang nasabing kontrobersiyal na pag-awit at doo’y napansin ko nga na sa simula’y malumanay ang pag-awit na siya namang tama, subalit nang papalapit na sa dulong bahagi, ito’y naging mabilis at maragsa at tumaas ang tono na halos ikapiyok niya. Buti na lang, nabawi niya ito.

Dahil dito ang tinuturing na Concert King ayon sa mga nakakaunawa ay maaaring makasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 8491 o ang tinatawag na 1998 Flag and Heraldic Code of the Philippines kung saan binabanggit na ang pag-awit sa Lupang Hinirang ay dapat ayon sa orihinal na “musical arrangement and rendition” ng kumatha nito na si Julian Felipe. Ang parusa sa ganitong paglabag ay pagmumulta ng limang-libong piso o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa isang taon, o kaya’y parehong pagpataw ng nasabing parusa.

Subalit ito’y mariing itinanggi ni Martin. Tama lang daw ang kaniyang pagkaka-awit.

Kung gayon, papaano nga ba aawitin ang Lupang Hinirang?

Hindi naman siguro mahirap sagutin ang tanong na ito na kahit isang musmos na bata sa kindergarten ay alam kung papaano ito aawitin.

At papaano nga ba? Titindig dapat ng matuwid, iiwanan o ititigil panandali ang ginagawa, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, titingin sa watawat, sabay buka ng bibig habang sinasabayan ang kumpas ni titser at pag-awit ng “Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting. Sa manlulupig, di ka pasisiil”.

Hindi naman pala mahirap awitin kung saan kahit isang paslit na bata ay makaka-awit nito ng buong ningning. You don’t need to be a concert king or a balladeer to sing it, and sing it well. Ang kailangan lamang pala ay taglay ang dalisay na puso at malinis na pakay kapag aawit nito, tulad ng isang bata, at hindi upang ipagmalaki sa buong mundo na tayo ay magaling na mang-aawit. Ito ang tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Malapit-lapit na ang pagdiriwang ng ating Kalayaan at ito’y sa June 12. Nawa’y sa pag-awit natin ng Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa nakamit na kasarinlan, tiyaking tama ang lyrics ng ating awit at nasa tamang tono at bilis.

Kabisado ko yung Lupang Hinirang tsaka yung old version ng Panatang Makabayan. yung new version, hindi ko man lang alam. College na kasi ako nung napalitang yung Panatang Makabayan, eh hindi naman nirerecite yung nung college na ko.

memorized ko kapag may kasabay ako.

Yup! (Naka-perfect ako sa pambansang awit at panatang makabayan) pero hindi ko po kabisado yung Ako ay Pilipino

At present, it uses the:

ABS-CBN 2, ABS-CBN S+A 23, ANC 24/7, Asianovela Channel, Cinema One, CineMo, Hero, Jeepney TV, Knowledge Channel, Liga, Metro Channel, Movie Central, MYX Global, PIE Channel, TeleRadyo Serbisyo, YeY, DWPM Radyo 630 and FMR 101.9 are using the Philippine National Anthem (produced by ABS-CBN) (2011-2020)

GMA 7, GMA News TV 27, DepEd TV, Hallypop, Heart of Asia Channel, I Heart Movies PH, Pinoy Hits Channel, Super Radyo DZBB 594khz and Barangay LS 97.1 are using the Philippine National Anthem (produced by GMA Network, Inc.) (2013—2015, 2015—present)

PTV 4, RPN 9, ZOE TV 11, PRTV 12, IBC 13, SBN 21, RJTV 29, BEAM TV 31, Light TV - God's Channel of Blessings, DBS 35, UNTV News and Rescue, SMNI 39, Bandera News TV Philippines, Brigada News TV, Golden Nation Network, Hope Channel Philippines and CCTN 47 are using the Philippine National Anthem (produced by BPI) (1994-1998, 2001-2010, 2012-2022)

TV5, One Sports, One News, One PH, 702 DZAS - FEBC Radio, Bombo Radyo Iloilo, DZRV 846, DZAR 1026, 98.7 DZFE-FM | The Master's Touch, DZJV 1458 Radyo CALABARZON, DZME 1530 khz, FEBC Radyo TV, Veritas TV, Life TV, MMDA TV, Radyo Singko 92.3 News FM, Monster RX93.1 and Mellow 94.7 are using the Philippine National Anthem (PCSO, PIA and OPS) (2003 Version)

NET25, Radyo Agila, Eagle FM 95.5, INC Radio and INC TV are using the Lupang Hinirang by Koro Pilipino (2011-2022)

DZRH TV, K-Lite TV, DZRH, Love Radio Manila, 91.5 Win Radio Manila, Easy Rock Manila, Yes The Best Manila, 102.7 Star FM Manila and K-Lite 103.5 are using the Lupang Hinirang by Mabuhay Singers

Inquirer 990 Television, Rock Of Manila TV, TV Maria, DZIQ Inquirer Radio 990, DZRB Radyo ng Bayan 738, DZRJ 810 AM - Radyo Bandido TV, DZRM Radyo Magasin, DZSR Sports Radio 918, RMN DZXL 558 Manila, DWBL 1242 RADIO, DWWW 774, AFP Radio DWDD, UNTV Radyo La Verdad, Republika FM1 Manila, iFM 93.9 Manila, 99.5 PLAY FM, RJ100.3FM, FM2 Philippines, Q Radio 105.1, Energy FM 106.7 and Wish 107.5 are using the Lupang Hinirang (formerly used by DZEC Radyo Agila)

Pagkatapos ng Lupang Hinirang, Panatang Makabayan naman, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas at sa huli Pilipinas Kong Mahal.

tuwing Umaga,kinakanta Ang LUPANG HINIRANG...binibigkas Ang PANATANG MAKABAYAN

eks "naalala ko nung kinakanta natin sa foodcourt to, parang nangingilabot ako dahil sa kagandahan niya. kung ang amerika ang ‘land of milk and honey,’ ayun sa Ang Bayan Ko, ang pilipinas daw ang ‘lupain ng ginto’t bulaklak!’ saan ka pa di ba?!

Rico "Maganda nga ang Ang Bayan Ko. Parang pati ako maluluha. Nakaka-tats!"

emben: "kinanta namin yan nung linggo ng wika nung grade school

sheng "My 3 year old daughter knows this by heart na, hehehe, I just want to push in some patriotic effect for the kid, at least she’ll grow to love the Bayang Magiliw…"

maidapaypay "hahahaha! OMG i was just singing this in the shower the other day!"

louraine "we seldom sing it here na sa work though we are in a government agency hehhehe but sure thing when in movie houses last full show, we proudly sing it loudly. mahal kong Pilipinas"

Wos "Meron isang magandang version ng pambansang awit pero medyo subversive, kaya di siya kinakanta openly. Ang linya na “ang mamatay ng dahil sa yo” ay pinalitan ng “ang pumatay ng dahil sa yo.” Para sa akin mas malakas ang dating ng pangalawa kasi mas active, and it requires an act that not everybody can do. Re: Bayan Ko, I know of one local radio station (nung bata ako) that plays it before signing off instead of Lupang Hinirang. Di lang ako sigurado kung on air pa ciya hanggang ngayon."

Lupang Hinirang

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw;
May dilag and tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa'yo.

PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS

Ako ay Pilipino buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos,
Maka-tao,
Makakalikasan, 
At makabansa.

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas;
Maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga
Tuntunin ng aking paaralan;
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng
Isang mamamayang makabayan
At masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan
Nang walang pag-iimbot
At ng buong katapatan.
Sisikapin kong maging
Isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa.

BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pagibig sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas.
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika makita kang sakdal laya

Pilipinas Kong Mahal

Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang

AKO AY PILIPINO 

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

CHORUS:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!

Ang lahat ng mga Patriotic Teachings na mga ito ay hanggang ngayo'y nasa ating puso't isipan bilang isang mamamayang Pilipino dahil siyang itinuro sa ating mga ulirang mga guro sa ating mga paaralan magmula grade 1 palang tayo. E, si diktador Digong yata ay binalewala niya ang mga 'to!?? dahil sa tuwing pinupuna siya sa pagiging inutil sa ating Arbitration Award noon pang July 12, 2016 ay nagpapalusot na giyera daw ang solusyon!?? He is not accepting better ideas from his critics to keep pounding the bully present Chinese communist leader Xi Jinping's intrusion into our EEZ Internationally so that every stupidity of the present China's leader, the UN/United Nations will always be alerted that NO OTHER COUNTRIES IN OUR TIME EXCEPT CHINA WHO IS BLATANTLY BULLYING OTHERS' TERRITORIES TO THE EXTENT OCCUPYING IT INCLUDING OUR VERY OWN TERRITORY IN THE WEST PHILIPPINE SEA, THEREBY CHINA WOULD FACE SANCTION VERY SOON. Papaano kayang naatim maging pangulo ang isang waring ambassador ng Chinese Communist leader xi Jinping itong si Digong??? gayong tungkulin ng isang head of state o pangulo ng ating bansa na ipagtanggol ang ating soberenya at teritoryo under Art.12, Sec.2 ng ating Saligang Batas. At kung patuloy itong tumatayo sa panig ng Tsina ay masisimot lahat ang ating mga natitirang teritoryo.

"That's the power unity na kahit kapamilya ka, kahit kapuso ka iisa tayo at magdadamayaan mula Batanes hanggang Jolo saan ka man ay halina kayo, isang libo't isang tuwa buong bansa Eat Bulaga"

Darien Brice Dickinson: "Mula Batanes hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isang  libo't isang tuwa buong bansa... Eat Bulaga!"

Jimrod Tan: "mula aparri hanggang jolo... saan ka man ay halina kayo.. isang libo.. isang tuwa.. buong bansa... eat bulaga!"

Rhette Francisco: "Tayo'y tumalon. Tayo'y sumigaw. Maghawak hawak, tayo'y sumayaw. This is your show, this is your time. Magpasikat na. It's showtime. Haha! LSS? 😃"

Nopz Sartin: "Halika na pumikit limutin ang problema, hihintayin ang umaga. Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya, darating din ang umaga. Basta't tayo'y magkasama, laging mayroong umagang kay ganda, pagsikat ng araw, may dalang liwanag, sa ating pangarap, Haharapin natin..."

Reymar Arca: "Paglamig ng hangin, hatid ng Pasko. nananariwa sa 'king gunita, ang mga nagdaan nating Pasko, ang Noche Buena't Simbang Gabi... Narito na ang Pasko at nangungulilang puso ko, hanap-hanap pinapangarap init ng pagsaalong tigib sa tuwa ng Mag-anak na nagdiwang sa sabsaban no'ng unang Pasko..."

Isabelo Bhee-Jhay Puntanar: "Pasko na sinta ko hanap-hanap kita bakit nagtatampo iniwan ako kung mawawala ka sa piling ko sinta paano ang pasko inulila mo sayang sinta ang sinumpaan at pagtitinginan tunay,,nais mo bang kalimutan ganap,ang ating suyuan at galak kung mawawala ka sa piling ko sinta paano ang pasko alay ko sayo,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,merry christmas,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,..."



Ge Araojo: "O BAKIT KAYA TUWING PASKO AY DUMARATING NA, ANG BAWAT ISA'Y PARA BANG NAMOMROBLEMA, HINDI MO ALAM KUNG REGALONG IBIBIGAY GAYONG KAY HIRAP NA NITONG ATING BUHAY NGUNIT KAHIT NA ANONG MANGYARI ANG PAG-IBIG SANA AY MAGHARI SAPAT NG SI HESUS ANG KASAMA MO TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO!"

Lhyn Eusebio: "Ang sarap talaga kapag Kapaskuhan damang-dama mo ang PaGMAmahalan ang tanging wish ko, para sa'kin, para sa'yo sana MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko!"

Reymar Arca: "Paglamig ng hangin, hatid ng Pasko. nananariwa sa 'king gunita, ang mga nagdaan nating Pasko, ang Noche Buena't Simbang Gabi… Narito na ang Pasko at nangungulilang puso ko, hanap-hanap pinapangarap init ng pagsaalong tigib sa tuwa ng Mag-anak na nagdiwang sa sabsaban no'ng unang Pasko…"

Isabelo Bhee-Jhay Puntanar: "Pasko na sinta ko hanap-hanap kita bakit nagtatampo iniwan ako kung mawawala ka sa piling ko sinta paano ang pasko inulila mo sayang sinta ang sinumpaan at pagtitinginan tunay. Nais mo bang kalimutan ganap,ang ating suyuan at galak kung mawawala ka sa piling ko sinta paano ang pasko alay ko sa'yo.... Merry Christmas!"

Paul Lababit "Lupang Hinirang"

Dhominhic Delvegs "sound of music and lupang hinirang"

Mabi Zinnack "Lupang hinirang🤣🤣"

Jocelyn Segafu Zata "LUPANG HINIRANG"

Jenyor Hernaez "Lupang hinirang....."

Z'Dræñz Z'Nærdz "Lupang hinirang"

Fely Ronquillo "Lupang hinirang at Bahay Kubo"

Ann JeaLynn Parsons "Lupang hinirang.."

Joy Viadr: "Lupang Hinirang"

Ronstar Gege: "Lupang Hinirang"

Tess Quinilitan Patiña: "Lupang hinirang"

Faithful Heart: "Lupang hinirang"

Nooks Lerma: "lupang hinirang😁"

Dio Ducut: "Lupang Hinirang!"

Anthony Regato Soliven: "Lupang hinirang"

Lucas Martin Zipporah:" Lupang Hinirang 😁"

Bhar Virania: "Lupang hinirang"

Bert Patico "Lupang hinirang"

Zernan Yumang: "Lupang hinirang"

Fox Hermoso: "Lupang hinirang ya Ang tunay na lomang knta"

Jérry Çénètâ "bayang magiliw"

Jericho Baltar: "Bayang magiliw perlas ng silanganan alab ng puso sa dibdib moy buhay lupang hinirang duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw may may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal ang kislap ng watawat moy tagumpay na nag niningning ang bituin at araw niya kailan pa may di magdidilim lupa ng araw ng luwalhati pagsinta buhay ay langit sa piling mo aming ligaya ng pag may mang aapi ang mamatay ng dahil sayo"

Rolly Prado "Bayang magiliw at Bahay Kubo."

Jenna C. Dangkin: "Bahay Kubo kahit munti ang halaman doon ay sari sari Singkamas, at Talong, Sigarilyas, at Mani, Sitaw, Bataw, Patani, Kundol, Patola, Upo't, Kalabasa, at tsaka Mayroon pang Labanos, Mustasa, Sibuyas, Kamatis, Bawang, at Luya sa Paligid ligid ay puno ng Linga."

Lito Nunez: "Lupang hinirang"

Amelia Guerrero "Dapat alam ng mga pulitiko ang pagkanta ng LUPANG HINIRANG at yung PANATANG MAKABAYAN mula sa Presidente hanggang sa mga kagawad ng Barangay at sa lahat ng naglilingkod sa bansang PILIPINAS."

Della Pelaez: "Noong araw, pagkatapos kantahin ang lupang hinirang, panatang makabayan naman."

Brent Norma: "At pagkatapos po ng Panatang Makabayan kakantahin naman ang Pilipinas Kong Mahal at Ako Ay Pilipino... kasunod naman ang exercise to the tune of Mag-exercise Tuwing Umaga. 😃 😃 😃"

the Catholic hymns May Bukas Pa, Tanging Yaman, Sa 'yo Lamang. Kinakanta namin ito sa pagdiriwang ng banal na misa sa simbahan, kasi hindi na alam ng mga bata kantahin. Nakakahiya!

Maan Trinidad Amigleo "Huwag damdamin ang kasawian May bukas pa sa iyong buhay Sisikat din ang iyong araw Ang landas mo ay mag-iilaw Sa daigdig ang buhay ay ganyan Mayroong ligaya at lumbay Maghintay at may nakalaang bukas"

Jay Ar Mercado "Huwag damdamin ang kasawian May bukas pa sa iyong buhay Sisikat din ang iyong araw Ang landas mo ay mag-iilaw Sa daigdig ang buhay ay ganyan Mayroong ligaya at lumbay Maghintay at may nakalaang bukas May bukas pa sa iyong buhay Tutulungan ka ng Diyos na may lalang Ang iyong pagdaramdam Idalangin mo sa Maykapal Na sa puso mo ay mawala nang lubusan"

Jude Anders Fuertes: "Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan. Nakaukit magpakailanman Sa 'king palad ang 'yong pangalan Malilimutan ba ng ina Ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niyang tatalikdan Ngunit kahit na makalimutan Ng ina ang anak niyang tangan"

Gemma Sierte: "Mahiwaga ang buhay ng tao  Ang bukas ay di natin piho At manalig lagi sana tayo Ang Diyos ang pag-asa ng mundo Pag-ibig sa ating kapwa-tao At laging magmahalan tayo Iyan ang lunas at ligaya At pag-asa ng bawa't kaluluwa Iyan ang hiwaga ng buhay ng tao..."

Regie Lhen: "IKAW ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan... Ang nilikha mong kariktan sulyap ng yong KAGANDAHAN...."

"Ika’y hanap sa tuwina nitong pusong Ikaw lamang ang saya, sa ganda ng umaga nangungulila sa’yo, sinta. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. Ikay hanap sa tuwina, sa kapwa ko kita laging nadarama, Sa iyong mga likha, hangad paring masdan ang iyong mukha. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan."

Maria Roussel Guerra: "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya."

Kathrine Kat Victoria Garcia: "Tanging Yaman: Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. Ika’y hanap sa tuwina nitong pusong Ikaw lamang ang saya, sa ganda ng umaga nangungulila sa’yo, sinta. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. Ikay hanap sa tuwina, sa kapwa ko kita laging nadarama, Sa iyong mga likha, hangad paring masdan ang iyong mukha. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. May Bukas Pa: Ang iyong pagdaramdam idalangin mo sa maykapal na sa puso mo ay mawala nang lubusan"

Jessa Satur Fuentes: "Kung tayo’y magkakalayo ang tanging iisipin ko walang masayang na sandali habang kita’y kasama kung tayo’y magkakalayo Maging tapat ka pa kaya ibigin mo pa kaya ako Kahit ako’y malayo na aking nadarama pagsasama nati’y `di magtatagal kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig."

"Kung tayo'y magkakalayo, maging tapat ka pa ba kaya?"

Regie Pastoril: "Kung tayo'y magkakalayo ang tanging iisipin ko walang masayang na sandali habang kita’y kasama kung tayo’y magkakalayo maging tapat ka pa kaya ibigin mo pa kaya ako kahit ako’y malayo na. Aking nadarama pagsasama nati’y ‘di magtatagal kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig kung tayo’ay magkakalayo, mapapatawad mo ba ako sa paghihirap na dulot ko sa buhay Kung tayo’y magkakalayo"

Sally De Guzman Ramos "Ikaw ang aking tanging yaman na di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. Ika’y hanap sa tuwina nitong pusong Ikaw lamang ang saya, sa ganda ng umaga nangungulila sa’yo, sinta. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan. Ikay hanap sa tuwina, sa kapwa ko kita laging nadarama, Sa iyong mga likha, hangad paring masdan ang iyong mukha. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan, ang nilikha mong kariktan, sulyap ng yong kagandahan."

Bianca Mateo: "Puso ko’y binihag mo sa tamis ng pagsuyo tanggapin yaring alay ako’y iyo habang buhay aanhin pa ang kayamanan luha’t karangalan kung ika’y mapasaakin lahat na nga ay kakamtin. Sa ‘yo lamang ang puso ko, sa ‘yo lamang ang buhay ko kalinisan pagdaralita pagtalima aking sumpa. tangan kong kalooban sa iyo’y nilalaan dahil antas ng pagsuyo tumalima lamang sa ‘yo? Sa ‘yo lamang ang puso ko sa ‘yo lamang ang buhay ko kalinisan pagdaralita pagtalima aking sumpa."

Jonathan Mayonte: "Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus. Ako'y inibig Mo, at inangking lubos. Ang tanging alay ko sa 'Yo aking Ama, ay buong buhay ko, puso at kaluluwa hindi makayanang makapagkaloob: mamahaling hiyas ni gintong nilukob. Ang aking dalangin, O Diyos, ay tanggapin ang tanging alay ko, nawa ay gamitin ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling. Di ko akalain na ako ay bigyang-pansin. Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin. "

Kia Alvarez-Abrera: "Huwag kang mangamba, di ka nag-iisa. Sasamahan kita saan man magpunta. Ika'y mahalaga sa aking mga mata, minamahal kita. Tinawag kita sa 'yong pangalan. Ikaw ay Akin magpakailanman. Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tapagligtas Mo at Tagatubos. Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ika'y mahalaga sa 'King mga mata. Minamahal kita, minamahal kita. Sa tubig kita'y sasagipin, sa apoy ililigtas man din. Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tapagligtas mo at Tagatubos. Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ika'y mahalaga sa 'King mga mata. Minamahal kita, minamahal kita."

Luigi Peñalba "MAY BUKAS PA, ABS-CBN, February 2009; TANGING YAMAN, ABS-CBN, January 2010; SA'YO LAMANG, Star Cinema, September 2010; HUWAG KANG MANGAMBA, Kapamilya Channel, A2Z and TV5, March 2021."

Luigi Peñalba "The religious anthems inspired by Kapamilya teleseryes/movies."

Hsnhs Mym: Kung itong aming paglalayag, inabot ng pagkabagabag naway mabanaag Ka hinirang na tala ng umaga, kahit alon man ng pangamba, ‘di alintana sapagkat naroon ka ng unos ng pighati at kadiliman ng gabi. Maria sa puso ninuman ika’y tala ng kalangitan ningning Mo ay walang pagmamaliw inang sinta, inang ginigiliw. Tanglawan kami aming ina sa kalangitan naming pita naway maging hantungan pinakamimithi ng kaharian. Maria sa puso ninuman Ika’y tala ng kalangitan ningning Mo ay walang pagmamaliw inang sinta, Inang ginigiliw. Maria sa puso ninuman ika’y tala ng kalangitan ningning Mo ay walang pagmamaliw inang sinta, inang ginigiliw.

Cel Santiago: "Huwag kang mangamba di ka nag-iisa, sasamahan kita saan man magpunta. Ika’y mahalaga sa aking mga mata minamahal kita, Minamahal kita. Tinawag kita sa 'yong pangalan. Ikaw ay Akin magpakailanman. Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tapagligtas mo at Tagatubos. Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ika'y mahalaga sa 'King mga mata. Minamahal kita, minamahal kita. Sa tubig kita'y sasagipin, sa apoy ililigtas man din. Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tapagligtas mo at Tagatubos. Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ika'y mahalaga sa 'King mga mata. Minamahal kita, minamahal kita."

Egs Omixed Orkiks: "...sinong makapaghihiwalay,sa atin sa pag ibig ni Kristo..sinong mkapaghihiwalay, sa atin sa pag ibig ni Kristo...paghihirap ba..kapighatian..paguusig o gutom o tabak..at kahit ang kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag ibig ng Diyos..."

Jocelyn Calanayan Barque: "Noong panahon ni marcos pag dumaan ka sa tapat ng school at oras ng flag ceremony at umawit ng lupang hinirang lahat ng sasakyan hihinto pati na rin ang mga naglalakad at ang kanang kamay dapat nasa kaliwang dibdib. miss ko ang late 60's & 70's."

Rommel Yadao "Natatandaan ko yan. Even noong elementary ako sa tapat ng school kapag umaga. Kapag bibili ako ng pandesal. Kapag itinataas na ang watawat ng Pilipinas, lahat humihinto para magpugay. Ngayon kapag last full show, madaming Pinoy na manonood ang hindi man lamang tumatayo para sa pambansang awit."

Demetrio Romuga "ay oo...pag di ka tumigil, tapos ka, may kalalagyan ka at sa loob ng sinehan, pag lupang hinirang na, tayo lahat at lahat kumakanta. ngayon? wala na...kasi MAKABAYAN SILA...kuno!"

Dorie Linse "Tama ka, Maharlika, dahil simula ng grade 1 ako 1958 hanggang makatapos ng HS pagkatapos ng bayang magiliw ay panatang makabayan ang kasunod at papasok na sa silid aralan na may tugtog ng River Kwai."

Vien Neib Cie "Naabutan ko yan ... batang 90s ako hehe"

Reymond Mago Defeo "Dahil na din sa pag upgrade daw ng curiculom nabawasan yung pagka makabansa. Ako sa sarili ko dala ko pa hanggang ngayon ang turo ng mga guro na pagka makabansa. Pag papahalaga sa bansa bilang pilipino."

Del T. Blanco "My elementary days,mas magalang ang kabataan,mas may takot sa Diyos ,mas takot gumawa ng kalokohan pero mas masaya mababa pa ang mga krimen,kahit kamote at kamoteng kahoy ang tanghalian masaya na😃panahong kaunting bagay na naumit o ninakaw ng kaklase napakalaking kahihiyan na ng pamilya at magulang kung anak nila ang involve"

Feds Santos "👍🏻👊🏻 at yung mag exercise tayo tuwing umaga😁"

Lucy de Ocampo "Karamihan sa ngayun di na nga alam yang panatang makabayan. kami noon pagkatapos kantahin ang lupang hinirang kasunod naman panatang makabayan .. ganun din mga anak ko kung saan sila nag-aaral . ngaun iba na nagkatuon at abala ang ibang nasa gobyerno sa pagnanakaw, pangungurakot ..di nla alam kung ano kahulugan ng mga salita sa panatang makabayan .."

Armando Lalog Jr. "After FEM walang ginawa mga aquino at ibapa kung hindi magnakaw at sisihin si marcos."

Noel Mar "Kasi daw po ang yellow Democracy is a road to success!!!!!! Ay Syett ... road to hell pala to the filipinos .... but a luxurious living for the oligarchs!!!! ..... More Business and free of taxes... and you can spread fake news... get a good looking actor and actress ... promote their deceitful propaganda!!! And the best of them all , you have the holy shit.... Priests, bishops , Cardinals... who mix politics with religions, and sometimes make their homily not based on the Bible but lies and hypocrisy... to defend the oligarchs who probably donates large monetary amount and high valuable gifts.... what the hell to Yellow Democracy.... tinarantado nila ang bayan!!!!!"

Maria Koro "Ibang iba na talaga ngayon hindi nayan binibigkas sa school paano naman pati din Teacher ay adik narin yung iba"

Tita Nepomuceno "I think the panata has been reworded, although hindi ko alam ano yung mga pinalitan. Honestly memorized ko pa sya hanggang ngayon, dahil siguro i have Internalized it, naisa-puso ko na. Hindi na rin araw-araw na nagpa-flag ceremony in most schools, if ever lunes na lang at biernes. Lunes itinataas ang bandila, at biernes ibinababa. Dapat ngang ibalik yan flag ceremony araw-araw at ang recitation ng panatang makabayan. Sa araw araw at paulit ulit na pagre-recite, nai-internalize ng bata eventually nai-inculcate yung patriotism. Ewan ko ba sa DepEd, ang daming inalis sa curriculum, procedures and practices. Then marami ipinasok sa curriculum na hindi kailangan, while yung kailangan, inalis. Yan mga nasa DepEd kasi may mga masters at doctorate so habang nagaaral ang tao, nagiging matalino sa libro, bobo sa practical side of life.

Maharlika "Tita Nepomuceno tama po . Kaya nga dapat ang pinupwesto sa Dep-Ed ay may pagmamahal sa bayan at pahahalagahan ang edukasyon. Kailangan natin hubugin ang kabataan sa unang araw pa lang na pagpasok sa eskwelahan pati mga magulang kailangan i orient o seminar kung paano isapuso at isabuhay ang mga nabanggit sa Panatang Makabayan, Panunumpa sa watawat at sa Lupang Hinirang . Kumbaga i ukit sa kanilang puso at isipan para dala-dala nila hanggang sa paglaki nila at maging responsableng mamayan sila."

Tita Nepomuceno "Yet kung napansin nyo Ms. Maharlika at mga kababayan, sa report card ng mga bata, may rating sa “patriotism”. Nung nakita ko yon noon, immediately ang reaction ko —paano nila ni-rate yung bata? how did the child demonstrated yung patriotism nya? anong pinagbasehan nung teacher sa grade o assessment nya nun?"

Antilegando Lacida Wilmita "Tama po mam Daming inalis, tapos shortened ang time ng students puro pera nasa ulo ng most school, bayad, donations kuno pero nagbabanggit ng amount at eto ay a must for every student, they shortened the time pero amount ng TF tumaas, they should be monitored! They don't learned much already kasi puro pera lang ang gusto ng school, They even call themselves Chistian school pero may ari mismo walang modo di marunong magbabayad ng utang!!!"

Deo Deo "Yes yong katipunero ang isip,salita at gawa...huwag yong makaliwa at wlang paki sa pinas..."

Emmanuel Padilla "Tita Nepomuceno pinalitan yan pag upo yan ni cory 1986 pinalitan lahat pati constitution ginawa na sila lang mga dilawan ang makikinabang pati DepEd ay binago yung mga original na curriculom noon araw araw ay msy flag ceremony at flag retreat yung preamble nga ay pinapamemorize pa sa amin sa subject ss college noon na Phol. Constitution kahit anong course ang iyong kinukha ay meron"

Choling DG Ingeniero Tita Nepomuceno "true"

Josie De Silva Ignacio Tita Nepomuceno "oh ganun po? Wala ng flag raising every morning??? "

Annalyn Hernandez Macasiray: "Naalala ko after ko kumanta ng Lupang Hinirang ito ang kasunod.. Panatang Makabayan. Pinapakabisado samen yang ng aming mga guro.."

Della Pelaez: "Noong araw, pagkatapos kantahin ang lupang hinirang, panatang makabayan naman."

Marla Dumbrique "Kabisado ko pa ,minsan kung akoy nag iisa yan ang binibigkas ko ang Panatang makabayan"

Hno Cris Palomar "Karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi na alam ang Lupang Hinirang, Panatang Makabayan at Pilipinas kong Mahal, hindi na tinuturo sa mga paaralan"

Erna Delacruz “Noong elementary school kinakanta namin yang baayaang magiliw at lupang hinirang sa labas ng school nakatapat sa watawat ng pilipinas habang inaakyat ang watawat nakatingin ang mga bata at ang kamay kanan nakahawak sa baba ng puso sa kaliwa”

Winnie Banzuelo Hermo "Ako, tuwing nakakarinig ako ng tugtog ng Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas, ako'y umiiyak. Marami na kaseng mga kabataan ngayon na hindi marunong gumalang sa ating bandila pag itinataas. Sana, maturuuan sila."

Justina Marcelo Winnie Banzuelo Hermo "pag nag Pambansang Awit na Lupang Hinirang lahat tumitigil at may paggalang ng nakalagay ang ating kanan kamay sa dibdib, at pagkatapos bigkasin ang panunumpa dapat mabalik ang pagkilala natin sa ating bansang Pilipinas, marami kabataan ang hindi na alam at nawala na rin paggalang at walang paki sa kalinisan, kalikasan. sana mabalik na rin ang GMRC”

Rey Caba Justina Marcelo “tama po kayo dati panahon ni pangulong ferdinand marcos, sr. at joseph estrada kapag narinig ang lupang hinirang lahat humihinto pati sasakyan inaantay matapos ang awit bago uli aarangkada ang mga tao at sasakyan”

Ernie Abordo Jr. “Noong una kahit wala ka sa loob ng eskwelahan at napadaan ka lang kapag narinig mo ng kumakanta ng lupang hinirang titigil ka sa paglalakad at tatapusin mo muna ang kanta bago ka ulit lumakad yan ay bilang paggalang natin sa ating inang bayan”

Cordova Villamor "Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting. Sa manlulupig, di ka pasisiil sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa may di magdidilim; Lupa ng araw ng luwalhati pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sa’yo.

Panatang Makabayan iniibig ko ang Pilipinas, ito ang aking lupang sinilangan, ito ang tahanan ng aking lahi ako’y kanyang kinukupkop at tinutulongan upang maging malakas maligaya at kapakipakinabang bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang susundin ko ang mga alituntonin ng aking Paaralan tutuparin ko ang mga tungkolin ng isang mamamayang Makabayan at masunurin sa batas. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip sa salita at sa gawa.

Panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas: Ako ay Pilipino buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag na may dangal, katarungan at kalayaan na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, maka-tao, makakalikasan, at makabansa.

Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto't bulaklak. Pag-ibig sa kanyang palad, nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda, dayuhan ay nahalina. Bayan ko, binihag ka nasadlak sa dusa. Ibong mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak. Bayan pa kayang sakdal dilag, ang di magnasang makaalpas. Pilipinas kong minumutya, pugad ng luha ko’t dalita. Aking adhika, makita kang sakdal laya.

Ang bayan ko'y tanging ikaw Pilipinas kong mahal ang puso ko at buhay man sa iyo'y ibibigay tungkulin ko'y gagampanan na laging kang paglingkuran ang laya mo'y babantayan Pilipinas kong hirang

Ako ay Pilipino, ang dugo'y maharlika, likas sa aking puso, adhikaing kay ganda. Sa Pilipinas na aking bayan, lantay na perlas ng Silanganan, wari'y natipon ang kayamanan ng maykapal. Bigay sa 'king talino sa mabuti lang laan, sa aki'y katutubo ang maging mapagmahal. Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino isang bansa isang diwa ang minimithi ko. Sa bayan ko’t bandila laan buhay ko’t diwa, ako ay Pilipino, Pilipinong totoo, ako ay Pilipino, ako ay Pilipino taas noo kahit kanino ang pilipino ay ako.”

John N. Retuerto: “buti pa sa sinehan..bago magsimula ang palabas..tatayo muna at kinakanta ang Lupang Hinirang...”

Founder Eagle Nelson Acompañado "Ibalik dapat ang dating kaugaliang pagkanta at pag awit ng (Lupang Hinirang), at ibalik din ang Panatang Makabayan... Kay ganda noong araw sa panahon ni late apo lakay marcos, pagtungtong ng mga epal at mga anay sa lipunang mga oligarkiya, mga aquino.. nawala na ang mga kagawiang kanta awit at panatang makabayan.. pati mga lessons ng history ay toloyan ng inalis nila, pura bulagin ang mga mag aaral maging mga guro sa tunay at diwa ng kalahagahan nito.. Sana ngayon new administration ay mabalik na ang dating nakagawian ang pagkanta araw-araw ng (Lupang Hinirang) at pagbigkas ng (Panatang Makabayan) at (Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas) sa mga paaralan tuwing umaga..at flag retreat naman sa tuwing hapon.."

Charline Villafuerte Founder Eagle Nelson Acompañado "at kapag napadaan ka sa eskwelahan na inaawit ang lupang hinirang kailangan huminto at magbigay galang habang inaawit ito"

Charline Villafuerte "korek po at tama po talaga kayo maam.. sagad sa mga pangaral ang mga kabataang mag aaral noong unang mga nakaraang panahon, kay gandang isipin at gunitaing muli... kaya ang panawagan ng ating bagong halal na pangulong BBM, ibalik at sama sama tayong babangun muli... at taas noo kahit kanino..."

Ronaldo Sigua "Sa elementarya ngayon hindi kinakanta yan lupang hinirang sa loob ng kwarto araw-araw sabi ng anak ko tuwing lunes na lang... Kaya mga elementarya dapat din kabisado ang lyrics until now. Sana sa mga guro kahit bawal mag flag ceremony sa labas kahit sa loob ng classroom na lang araw arawin sana ang pagkanta ng lupang hinirang..."

Angel Domondon "baka hindi alam ang panatang makabayan"

Lita Reyes Sangalang Ronaldo Sigua "pati sana Pilipinas Kong Mahal"

Anila De Juan "Dapat isabatas na kapag tumutugtog at tinataas ang watawat kahit saang ĺugar dapat huminto ang mga tao at mga sasakyan"

Mico Cangmaong "Araw araw may flag ceremony at inaawit ang Pambansang Awit LUPANG HINIRANG pero sayang wala maintindihi ang Message sa flag at awit, ngayon binaloktot na ang kanilang tungkolin sa bayan, Protect the People Secure the Sovereignty of the State and the Integrity of the National Territory, wala binuboli na ang ating bansa sa China"

Vikki Reyes Pornobi "Di nga nahinto ang mga Tao SA pglakad at pati MGA sasakyan tuwing flag ceremony...Di pinapansin ..in short nawala na ang pggalang"

Isaac Mamucud "noon kami ang nasa elementarya sa labas kinakanta nmin ang lupang hinirang at yung panatang makabayan, kung nasaan ang flag pole sa umaga itaas ang bandila araw-araw"

Nenita Torres Isaac Mamucud "Umaga at hapon Yan kinakanta, at yong flag, di Yan Pina ulanan, tubing hapon ibinaba at ilagay sa lalagyan,"

Isaac Mamucud Nenita Torres "tama po kayo,pag tag ulan nakasabit sa harapan ng iskwelahan na di nababasa ng ulan"

Ronaldo Sigua Nenita Torres "ewan ko nga po bkit hindi na pinagagawa ng teacher ngaun yan... sila dapat nakaka alam ng ganyan para ipagawa sa ating mga anak,,hindi na tao dapat pang ipaaalala pa sa kanila matik na dapat,,"

Jenneth Rojas Nenita Torres "pag di ka naka attend ng flag ceremony, late ka"

Isaac Mamucud Jenneth Rojas "kaya nga po,maaga kming pumapasok noon 7am time na 6am nasa school na kami."

Ronaldo Sigua Isaac Mamucud "principal at guro po dapat ang nagpapatupad ngaun nian sa skwelahan,,mukang nkalimutan npo na nila yan pag galng nayan,,, Cguro nmn ung mga teacher na ngaun ay inabot pa nila ung mga gawain na yan,, So bakit hindi nila pinagpapatuloy ang ganyang paggalang sa ating watawat,, 

Isaac Mamucud Ronaldo Sigua principal at teacher lahat nasa harapan kasama mga styudante nila,napapansin ko ngayon may kinder,may prep pa may k12 ang iq nila parang bumababa napapansin ku lng.

Ligaya Rivera "kami noon daily morning ang hapon . paggrde 6 schedule nang pupils magpataas at pababa nang saka pagfold fold nang bandera pupils assigned pagbeat ng pambansing awit (Lupang Hinirang) at iba naman ang sa panatang makabayan. Kaya almost 100 percent pupils summarized nila lahat. Grabe ang deciplina noon"

니노 Ligaya Rivera "baka memorized. Pero totoo"

Zenaida Leah Mateo "Tama Po sana ibalik yung pagkanta tuwing umaga ang pambansang awit at sa panatang makabayan. Kasi Hindi na alam ng mga bata kantahin. Nakakahiya!"

Joon Bena Ligaya Rivera "memorize po, tama po kayo"

LSS: "Sa may bahay ang aming bati... We wish you a Merry Christmas... Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya... Pasko na naman o kay tulin ng araw, Paskong nagdaan..." Every year ko to nadidinig haha

Jam Cadiz Tolentino "O bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na ang bawa’t isa’y para bang namomroblema hindi mo alam ang regalong ibibigay ngayong kay hirap na nitong ating buhay......Ngunit kahit na anong mangyari ang pag-ibig sana’y maghari sapat nang si Hesus ang kasama mo tuloy na tuloy parin ang pasko..."

Ryan Orlanda: "Kung kailan pinakamadilim... Mga tala ay mas magniningning..."

Chucky Chester to Oleah Carungay Tubiera: "Sa may bahay, ang aming bati Merry Christmas’ na maluwalhati ang pag-ibig ang siyang naghari araw-araw ay magiging Pasko lagi ang sanhi po ng pagparito hihingi po ng aginaldo kung sakali’t kami’y perwisyo pasensiya na pagka’t kami’y namamasko.

We wish you a Merry Christmas;
We wish you a Merry Christmas;
We wish you a Merry Christmas and a Happy New Year.

Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba
Tayo na giliw magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

Pasko na naman O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko tayo ay mag-awitan

Pasko! Pasko! Pasko na namang muli!
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!

O bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawat isa'y para bang namomroblema
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Meron pa kayang caroling at Noche Buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y mag-hari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

Mabuti pa nga ang pasko nuong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit happy new year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y mag-hari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

Embassy On-Wheels Muling Gaganapin sa Alkhobar

Inihayag kamakailan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia, na muling dadalhin ang Embassy On-Wheels sa Alkhobar sa darating na 28 at 29 ng Mayo ng taong kasalukuyan para sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa Eastern Region, Saudi Arabia. Ito’y gaganapin sa International Philippine School in Alkhobar (IPSA) sa sumusunod na petsa at oras:

Thursday, 28 May – 8:00 AM to 5:00 PM
Friday, 29 May – 8:00 AM to 12:00 PM

Ang Embassy On-Wheels ay buwanang ginagawa ng Embahada sa mga Filipino expatriates sa Eastern Region para sa mga serbisyong consular tulad ng:

1. Passport renewal
2. Authentication of documents
3. Notarials
4. Report of Birth
5. Report on Marriage
6. Requirements for RA 9048 (correction of a clerical error in the birth certificate)
7. Requirements for RA 9225 (re-acquisition/retention of Philippine citizenship)

Para sa mga katanungan tungkol dito, tumawag lamang sa telepono 482-3559 o 480-1918, o mag-eMail sa filembry@sbm.net.sa.

Panawagan ng mga OFW’s sa Khafji

Hinihiling ng mga overseas Filipino workers sa Khafji na siyang border ng Kuwait at Saudi Arabia, na magkaroon din ng Overseas Absentee Voting registration sa kanilang lugar tulad ng nagaganap ngayon sa Alkhobar, sa Riyadh at sa Jeddah.

Ayon kay Alvin Jimenez ng Consolidated Contractors Co. sa Al-Khafji, KSA, marami raw sa kanila ang nagnanais na makaboto sa nalalapit na halalan sa 2010. Subalit ang problema’y di sila makapag-rehistro sa dahilang malayo ang kanilang lugar sa Riyadh o maging sa Alkhobar, at wala rin silang oras na makapunta o makababa dahil na rin sa trabaho. Kung kaya’t hinihiling nila sa mga kinauukulan na kung maaring magkaroon din ng OAV registration sa kanilang lugar kahit dalawang araw lang tulad ng Huwebes at Biyernes.

Sinabi naman ni Ellene Sana ng Center for Migrant Advocacy Philippines (CMA) na kailangang gumawa sila ng petition letter na galing sa mga Filipino community groups or organization doon at ito’y i-submit sa Philippine Embassy in Riyadh para maaksiyunan ang kanilang kahilingan. Ito’y kailangang gawin agad pagkat ang OAV registration period ay magtatapos na sa August 31.

(For comments and reactions, please email maxbringula@yahoo.com)