Frequencies ng ABS-CBN, hinihintay kung kanino ibibigay

Bago pa lumabas ang balitang pagbawi ng National Telecommunications Commission ng frequencies at channels ng ABS-CBN, narinig na namin itong pinag-uusapan ng ilang miyembro ng media at ang ilang nagpahayag ng interes na mag-apply ang ilang kumpanya.


Wala pa namang kinukumpirma ang ilang kongresista pero napapag-usapan nang interesado raw ang Manila Broadcasting Company, ang CBCP at ang Iglesia ni Cristo.


“It’s a profitable slot,” sabi nga nila kaya pursigido ang ilang malalaking kumpanya na makuha ang frequency na ito ng ABS-CBN 2.


Hindi na rin kasi natuloy ang unang alok noon ng ABS-CBN na gamitin ang frequency nila sa distance learning program ng DepEd.


So far, online at digital pa lang muna napapanood ang ilang programa ng ABS-CBN 2.