Sunday, July 19, 2020
[PODCAST] Ang pagharang ng Kamara sa ABS-CBN franchise
Sino-sino ang mga key players sa pagharang sa prangkisa ng ABS-CBN?
Tuluyan nang naharang ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-10 ng Hulyo.
Ang desisyon ng 70 na mambabatas na miyembro ng House committee on legislative franchises ay ang pagtatapos ng ilang buwang diskusyon sa Batasang Pambansa.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina House reporter Mara Cepeda at researcher-writer Jodesz Gavilan ang aksyong ito ng Kamara na isang malaking dagok sa press freedom sa Pilipinas.
Ano na ang susunod na hakbang ng ABS-CBN? Ayon kay Cepeda:
"Sadly malabo ang franchise unless Duterte changes his mind. May recourse kasi na puwede appeal. But according to the House rules, ang puwede lang mag-file within 24 hours ay one of the lawmakers who voted with the majority. Another option is, any congressman can file a new bill. But walang nagfa-file. Bakit? Kasi babalik at babalik lang sa House committee of legislative franchises. And it's going to come back to the same people who overwhelmingly rejected it, so it's a futile attempt right now. ABS-CBN can try again after 2022 when Duterte is no longer the president... But if Duterte suddenly decides and tells his allies in the House na bigyan na ng franchise iyan, probably someone will file a bill and magkakaroon ulit ng hearings and they'll grant it."
Sino-sino ang key players dito? Ano ang major issues na lumabas sa hearings? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com