Saturday, June 12, 2004

Then the patriotic songs – Bayang Magiliw, Bayan Ko, Pilipinas Kong Mahal.


Bata pa lang tayo, pinapa-memorize na sa atin ang Pambasang Awit (“Lupang Hinirang,” pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang nag-aakalang ang title nito ay “Bayang Magiliw”).



Noong araw, sa flag ceremony ay tatlo ang kailangan mong i-memorize: ang “Lupang Hinirang,” ang “Panatang Makabayan” at ang “Pilipinas Kong Mahal.” Sa ganitong pagkakasunod-sunod din ito kinakanta at nire-recite.


"1. Lupang Hinirang is the national anthem praising the Philippine homeland.
2. Pilipinas Kong Mahal expresses love and devotion for the Philippines and willingness to serve and defend the country."


Pambansang Awit ng Pilipinas

Lupang Hinirang

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting.
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa may di magdidilim.

Lupa ng araw ng luwalhati pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa'yo.

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Pilipinas Kong Mahal

Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan
ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansa, 'sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila
Laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Isang Bansa, Isang Diwa

Tayo’y mga Pilipino
Tubo sa silangan
Nagkaisa, nagkabuklod
Diwa’y tinaguyod
Bisig natin ay pag isahin
Sa lahat ng mithiin

Tayo’y mga Pilipino
Sa lupang pinagpala
Ating bansa, ating diwa
Langit ang adhika
Luzon, Visayas at Mindanao
Pilipinas ang tanglaw
(Ulitin ang simula)

Luzon, Visayas at Mindanao
Pilipinas ang tanglaw

Another symbol of our pride as Filipinos is the Panatang Makabayan. Do you still remember it? It was always recited during flag-raising ceremonies when we were still in elementary and high school. In case you don't know…

Panatang Makabayan

Original version

Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan.
Upang maging malakas,
maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti, ay diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayang makabayan
At masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan
nang walang pag-iimbot
at ng buong katapatan.
Sisikapin kong maging 
isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Current version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

Revised Version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungan
maging malakas, masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nananalangin
Nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.